Newbie lang sa pc building mga sir. Meron kasi akong lumang slim pc dito. OEM din yung mobo. Ililipat ko siya sa ibang case tapos gusto ko maglagay ng intake at exhaust fans kaso di ko alam kung pwede maglagay. Eto na lang yung open na saksakan sa mobo ko. Pwede bang isaksak sa alin man dito? Salamat po sa tutulong.
Di ko masyadong kita sa picture kung anong header yan pero pwede kang bumili ng fans na molex ang power at external controller ang gamit instead sa mobo~
pwede ka naman mag lagay ng fan na kahit sa PSU mo isasalpak yung power?? pwede mo din gawing papasok at palabas yung buga ng hangin nun baliktarin mo lang yung position ng fan pag ikakabit mo
Ala kang available onboard pin para sa SYSFAN sir. gaya ng sabi nila, gamitin mo nalang po ung molex type. or may nakasaksak na existing fan dun sa SYSFAN/CPU FAN slot mo
kung may SYS_FAN or CHA_FAN yang MoBo mo idol, diyan mo ikabit. kung isa lang available at occupied na, bili ka ng splitter or hub na tugma din sa SYS_FAN or CHA_FAN header mo ang pin nya. Sana makatulong.