What's new

HELP 4 years unemployed

jeanshiii

Addict
Joined
Oct 26, 2015
Posts
97
Reaction
12
Points
93
Age
29
Hello mga ka phcorner!

Dahil sa pandemic po kase ngayon kapos na kapos na kami kaya need ko na talaga magtrabaho.. Meron po akong dalawang anak (3 years old & 2 years old) magastos po talaga kapag may baby kaya mas habang lumalaki sila lumalaki din po gastos namin. Si hubby po di sapat ang sinasahod kasi may binabayaran pa kaming bahay..

Ang tanong ko po kahit sa call center ba matatanggap ako? di naman ako fluent sa english pero nakakaintindi naman po.

Nakapag trabaho na po ako dati sa local account nga lang 2 yrs po. noong 2017 pa.

Meron po ba kayo marerecommend na madali lang makaapply and hindi masyadong maselan pagdating sa paghire ng empleyado?

Salamat po. 😊
 
Kung prefer mo ang mga BPO Companies well subok lang ng subok, pwede rin naman sa mga dept stores.
 
Apply ka paps .sa call center di naman kailangan magaling sa english ang importante sa callcenter marunong ka umintindi at marunong ka magrebut .
Pero kung ako sayo pre di ako pipili ng trabaho papasokan ko kung ano man makita kong hiring .
Saken kasi naapplyan ko lahat diser,officestaff at iba pa .
Pero ang naunang nagreply at nagmessage saken is si call center kaya siya yung trabaho ko ngayon .
Apply apply lng paps sa panahon ngayon di importante kung ano man trabaho mahanap mo importante may income ka lalo na sa part mo may sarili ka ng pamilya .
Godbless sayo paps kaya yan tiyaga lang .
Goodluck 👌
 
Salamat paps! Okay naman sakin kahit sa office lang kaso call center lang kasi alam kong mabilis hanapin. tsaka maganda yung hmo
 
[XX='jeanshiii, c: 910591, m: 408419'][/XX]
Sige paps eto ginawa ko kung pano ko nakapasok sa bpo by the way 6months palang ako sa trabaho take note wala pa akong exp sa bpo pero nakapasok agad ako .
Una paps hinunting ko yung company na malapit sa bahay para pwede ko itong lakarin kung hirap pa rin sa transpo .sinearch ko company nila at nagemail agad ako dun sa email add nila .ang ginawa ko paps sinend ko kaagad yung resume ko .tapos nilagay ko sa email looking for any position willing to work any shift tapos can work immediately.
Tapos 3 days lang hinintay ko may narecieve akong tawag interview kaagad .tapos requirements agad after a week .
 
Hello.

Former CNX Employee po ako and since nasabi niyo na may experience na po kayo kahit local, napakalaking edge niyo na po 'yun among other applicants. Try niyo po sa CNX marami na po silang site and madali lang po makapasa kasi hindi sila ganoon ka-strict. ☺️


I do suggest mag-send din po kayo ng applications niyo thru Jobstreet than sa mga headhunters sa mga FB Groups. Kasi sa Jobstreet, legit na mga T.A. ang kadalasan nagpo-post dun and mas malaki chance na matawagan kayo kaagad (kung BPO po talaga ang target niyo)


Hope it helps. :)
 
Try mo call center or upwork.

Call center di kailangan fluent. Confidence ang labanan diyan.

Upwork or any virtual work, you just need pc or laptop. Makakawork from home ka na.
 
try mo lang mag apply ng mag apply. kung call center. pero medyo stress work sa bpo lalo pag graveyard shift ka. babae ka ba ts? try mo sa mga fast food or department store. pero hirap pa kasi sitwasyon ngayon. try mo online
 

Similar threads

Back
Top