What's new

Closed Hello mga ka mystery buddies

Status
Not open for further replies.
May nakakaalam po ba rito ng PROJECT BLUEBEAM Supposedly na naniniwala kayo sa Diyos, kasi kung atheist, ididismiss agad yung conspiracy theory na yon.
Haha di kaagad yan dini dismiss. Sa agham kasi iniimbestigahan ng mga scientist ang mga ganyang mga katanungan/haka-haka. Malaki rin ang tulong niyan na mga conspiracy theorists sa pagresolba ng mga katanungan. Halimbawa yung theorya nila sa 911...sumabog muna yung pangalawang tower bago pa man tumama yung eroplano sa building...meron rin silang theorya na sinabotahe ng gobyerno ng america ang pag atake sa pentagon para bigyan ng dahilan na atakihin ng mga kano ang Iraq at ang middle east. Madami-dami pa yang mga conspiracy theory na kailangan ng mga kasagutan.
 
okay po yang topic nyo, meron pong atheist at meron din pong hindi. pero appropriate nga po yan na topic dito. lights na parang ufo na gawa ng nasa, tiningnan ko rin yung gusto nila maggawa ng bagong religion gamit ang pananakot at pinakahightech na gamit na gawa ngayon ng nasa. ewan nasilip ko lang
Di pa talaga natin yan masasagot mga dre. Ika nga top layer pa lang yan ng mga sekreto ng america. Di natin alam kung ano talaga ang meron sila lalo na sa area 51.
 
Pero do you think na meron nga talagang nakuhang alien species ang mga kano? Ako fascinated at gusto kung maniwala, specially yung advancement ng technology nila at pagiging fascinated din nila sa space explorations.
 
paano yung nag reincarnate na bata galing sa mars? totoo ba yun? doon lang talaga malalaman kapag nagpunta na sila sa mars ngayong 2024
 
Baka fake memory yun gaya ng kay Arnold sa movie na Total Recall. Diba lagi syang may panaginip about sa Mars, taz totoo pala yun taz yung actual life nya pala yun pala ang peke. Hahaha.
 
Pero do you think na meron nga talagang nakuhang alien species ang mga kano? Ako fascinated at gusto kung maniwala, specially yung advancement ng technology nila at pagiging fascinated din nila sa space explorations.
Posible naging usap-usapan kasi noon sa kanila

Posible...Masyado kasi sila secretive. So ibig sabihin may tinatago sila. Marami-rami na rin ang insidente ng U.F.O. sightings sa bansa nila, so tatlo lang yan alien, advance aircraft na tine testing, or advance aircraft na ginaya sa alien technology/craft haha
 
Guess we will never know. Haha bakit yung mga UFO sightings puro sa parte ng ibang bansa, pero sa pinas puro edited lang ang sightings. Haha siguro alam ng mga aliens na puro pantasya at panatikp lang magaling tayong mga pinoy at walang masyadong pake sa technological advancement at syensya. Haha
 
paano yung nag reincarnate na bata galing sa mars? totoo ba yun? doon lang talaga malalaman kapag nagpunta na sila sa mars ngayong 2024
Imposible yan dre. Maliit ang chansa na may mabuhay sa Mars. Not unless nabubuhay sila sa ilalim ng lupa. Lalo nat ang atmosphere ng Mars ay manipis lang...kaya unti-unting sumisingaw yung mga gases nito palabas. In short walang hihingahan yung mga organisms diyan sa planeta na yan. Kung meron man. Inhospitable ika nga. Haha yan na reincarnation na bata na istorya ay binase lamang sa Total Recall na palabas. Kahit iresearch mo pa dre.
 
Guess we will never know. Haha bakit yung mga UFO sightings puro sa parte ng ibang bansa, pero sa pinas puro edited lang ang sightings. Haha siguro alam ng mga aliens na puro pantasya at panatikp lang magaling tayong mga pinoy at walang masyadong pake sa technological advancement at syensya. Haha
Yan yung mga katanungan na di pa talaga nasasagot. Kung meron man iilan lang ang may alam. Pagdating naman sa bansa natin; di talaga big deal ang mga technological advancements dito sa Pinas. Kasi mas pina kikinggan at pina niniwalaan pa ng mga kababayan natin yung mga matatamis na salita at pangako ng mga simbahan. At mas pina niniwalaan rin nila yung mga kung ano-ano pa from engkanto, dwende, manananggal, at iba pa. Kaya nga di tayo umaasenso kasi ito yung inuuna nung iba. In short mas madali maniwala ang karamihan sa mga kwento-kwento kaysa sa katotohanan. Ewan ko na lang sa inyo basta ako sa panig pa rin ako ng agham.

Science will prevail!
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top