What's new

Gusto ko lang ilabas itong nararamdaman ko

monarchie123

Honorary Poster
Established
Joined
Mar 14, 2021
Posts
345
Reaction
104
Points
174
I'm a degree holder. Nag resign ako simula pumutok yung pandemya siguro dahil na din sa takot at sa sobrang pagod ng work ko kaya ako napilitan talaga mag resign at umuwi ng province here in leyte. I was thinking na madali lang maka hanap ng work kasi may experience na ako kaya inantay ko humupa ung pandemic. And now, ang hirap nakakastress isipin na 29 years old kana pero wala ka work at pera. Nasstress ako. Dami ko inapplyan hindi ako matangaptangap. nakakababa ng confidence naiisip ko tuloy minsan na baka vhovh0 ako? baka need ko applyan yung mga highschool grad lang yung qualifications. tapos yung mga kaibigan ko nasa gobyerno wala kahiraphirap basta may backer (napakaswerte naman nila) nakapa unfair isipin. Nakakawala ng gana, nakakatamad gumulaw, nakakatamad huminga, di ko alam san papunta buhay ko ngayon eh. Tinatanong ko sarili ko kung bakit hindi ako qualified? bakit walang tumatanggap sakin? makakapag work pa ba ako?, hindi na ako sumasama sa mga kaibigan ko kasi nahihiya ako kasi may mga work sila tapos ako wala, palamunin pa. Minsan nman yung magulang mo mismo pag sasabihan ka parang mamadaliin ka, hindi naman ako showy, hindi ko ugaling ipaalam sa kanila lahat ng ginagawa ko kung nag aapply ba ako ng tarabaho o hindi, aalis ba o hindi. Npaka private ko pong tao and comportable po ako dun. nakakapressure, tapos sasabihan ka pang TAMAD minsan. Ginagawa ko nman talaga eh, nag hahanap naman talaga ako ng work para kahit papano maka ambag ako ulit sa gastosin sa bahay. Parang hindi nakakatulong eh🙁. Nakakadepress hirap maka tulog sa gabi, palagi kang dadaanan ng maraming tanong bago ka patulogin. Minsan naiisip ko sana di nalang ako magising. Kung ang future ko is palamunin, walang napuntahan, walang naipon. Sana kunin nlang ako ng maaga para kahit papano hindi ako maging pabigat. Pasensya na, napaka Negative ko talaga ngayon. Nai.istress ako. 😞 i will let myself drown right now, but i still have hope a little.

P.S. Di ko alam saang section ko ito ipopost. Paki lipat nalang po master. Salamat
#RESPECT POST
 

Attachments

Last edited:
I feel you, dati nakakapasok ako 1-4 Times interview sure na may trabaho na ko, Pero ngayon ang hirap kasi saan ako magpunta puro tatawagan na lang, di ko Alan kung aangat pa yung buhay ko eh, Kaya nga umaasa na lang ako sa sideline kahit maliit at minsa'y lugi pinapatos ko eh, wala ganun talaga basta ang labanan ngayon diskarte hanggat may opportunity grab mo na kaysa magutom.
 
Di ko alam sasabihin ko ts pero wag kang sumuko ts makakahanap ka rin ng trabaho tsaka dont compare yourself sa mga kaibigan mo lalo mo lang pong pinapasama pakiramdam niyo....ang isipin niyo po sa ngayon ay di ka tumitigil maghanap ng trabaho at mabuti na yun kesa wala diba ts....tsaka in Gods perfect time malay mo beyond expectation ang mabibigay sayo na trabaho diba hehe....for now habang di kapa natatanggap try browsing online pwede ka mag hanap ng work from home or maghanap ng trabaho din online...basta wag kang susuko ts❤️
 
Baka over qualified ka TS sa mga inapplyan mo? Ganun pa man huwag tumigil sa paghahanap. May pagkakapareho tayo ng sitwasyon ngayon 27 ako wala din akong work at ipon. Ang alam ko lang sa ngayon na malalaki ang mga sinasahod mga Call Center at Virtual Assistant. Basta ang importante TS huwag kang titigil at think positive. 🙂
 
I've been feeling that lately too,ganyan lang talaga di maiwasan.Minsan pa kinocompare ka pa sa iba.Mahirap din talaga makahanap ng work due to pandemic.Just try to keep busy nalang like doing some online stuff ,sideline lang muna at keep yourself occupied,same tayo nag aantay na humupa pademic .Di ka naman nag iisa ,just keep believing in yourself kaya mo yan,and in due time makakamit mo din yung goals mo and don't get discourage if things aren't work out this time.
 
ganyan talaga ts hirap maghanap ng work ngayon kahit degree holder ka kasi yun nga baker system tsaka padami ng padami ang tao, habang dumadami tao mas lumiliit ang opportunity, mas lalong dadami kakompitensya. Kanya kanyang diskarte na ang labanan ngayon ts dina degree. madami walang degree na mas malaki pa kita kesa sa empleyado. Ako government employee pero gusto ko na magquit, gusto ko kasi dumiskarte ng sarili kong assets, di yong gagawin kang asset. Antayin ko lang na talaga na mapermanent asawa ko den batsi nako sa govt. para kahit papano kung wrong move man gagawin ko may trabaho padin asawa ko kahit papano.
 
Magbusiness ka TS. Umpisa sa maliit, lalago rin yan basta wag lang susuko.
Ano ba ang interes mo? Doon ka magfocus.
Wag mo ipressure ang sarili mo sa paghahanap ng trabaho.
Kung nasa probinsiya ka, aralin mo mag tanim ng mga gulayin. Magandang libangan yan, diversion kumbaga.
 
mali kasi yung culture na nakalakihan natin na kung degree holder ka eh mas may edge ka sa iba. Tama ka din nmn dun sa point mo na bakit yung iba eh madali nakapasok kasi may backer.

Sa reality, di basehan ung natapos, diskarte , tyaga at hardwork.

Feeling ko mali yung reason mo na kasi pagod ka na sa work.kahit anong work pasukin mo lahat yan nakakapagod magkakaiba lang na situation.
Walang trabaho na di nakakapagod gigising ka sa umaga na ang feeling mo ayaw mo pumasok pero no choice ka tawag don adulting and being responsible human being
😊
 
mali kasi yung culture na nakalakihan natin na kung degree holder ka eh mas may edge ka sa iba. Tama ka din nmn dun sa point mo na bakit yung iba eh madali nakapasok kasi may backer.

Sa reality, di basehan ung natapos, diskarte , tyaga at hardwork.

Feeling ko mali yung reason mo na kasi pagod ka na sa work.kahit anong work pasukin mo lahat yan nakakapagod magkakaiba lang na situation.
Walang trabaho na di nakakapagod gigising ka sa umaga na ang feeling mo ayaw mo pumasok pero no choice ka tawag don adulting and being responsible human being
😊
yeah.. tama ka nman dun na normal lang yung pagod sa trabaho, tama yun,. but i cant agree with you, never naging mali yung maging rason ang pagod kaya ka hihinto, if you're tired, rest. if you're unhappy? leave., importante parin yung inner peace. at tsaka hindi lang pagod, kundi pagod na pagod., ok lang nman yung pagod sa trabaho eh kayang kaya yun.,pero iba yung pagod ka sa mga toxic na ka workmate, boss amo mong hindi mo alam kung kakampi mo o hindi. Yung parang habang tumatagal lumiliit yung tingin mo sa sarili mo. I was so thankful na naka wala ako sa previous job ko at never kong pinag sisihan yun, tawag dun self respect.
 
yeah.. tama ka nman dun na normal lang yung pagod sa trabaho, tama yun,. but i cant agree with you, never naging mali yung maging rason ang pagod kaya ka hihinto, if you're tired, rest. if you're unhappy? leave., importante parin yung inner peace. at tsaka hindi lang pagod, kundi pagod na pagod., ok lang nman yung pagod sa trabaho eh kayang kaya yun.,pero iba yung pagod ka sa mga toxic na ka workmate, boss amo mong hindi mo alam kung kakampi mo o hindi. Yung parang habang tumatagal lumiliit yung tingin mo sa sarili mo. I was so thankful na naka wala ako sa previous job ko at never kong pinag sisihan yun, tawag dun self respect.
Self respect?almost half ng content mo nagseself pity ka. Ikaw na mismo nagsabi na sobrang negative mo now a days. Oks na sana ung little hope mo.No need naman iplease ung mga nasa paligid mo, move at your own pace.kung sila swerte so be it. Gawa ka ng sarili mong way. Di ko sinasabi na hindi ka umaaksyon. Ang sakin lang is "baka" hindi enough. Try mo pa push harder. Baka makatisod ka😊
 
Mas matindi ang akin. At the age of 18 years old, naghanap na ako ng pagkakakitaan pero bigo ako. Tumanda ako ng ganito na hindi ko naranasan kung papaano magkasahod ng pera na tipong sariling pera na hawak sa sarili kong mga kamay. Nasubukan ko mag-apply sa ibang pagkakakitaan, wala. Walang tumatawag sa akin. Literally speaking ay wala. So nagtry ako mag-apply bilang call center agent sapagkat bukod sa mas okay-okay ang sahod, okay na sa company kapag hindi graduate ng college pero ganun pa rin, rejected.

Literally speaking never ever ko na experience magkapera or magkatrabaho sa buong buhay ko simulang teenager ako at naging ãdül† ako. Nakaka-depress po.

Alam ko ang pakiramdam na sobrang hirap makahanap ng trabaho. Sobra talaga kung kaya huwag ka gumive up. Alam ko ang feeling ng ganyan na halos sa tindi ng depression ko noon, gusto ko na mag suicide. Palamunin din ako sa bahay.

Minsan gusto ko na bumigay na tumulad sa mga babae na nag-aasawa na meron pera or meron trabaho pero everytime na naiisip ko, andoon ang feeling ko na its unfair. Unfair talaga.

Unfair in a sense na lalake ang meron pera pagkatapos ako ay wala. Unfair in a sense na panay asa ako ng asa sa pera ng husband ko kung sakaling mag-aasawa ako. Sa mag-asawa ay lahat walang kasiguraduhan iyan.

Maraming pwede mangyari. Mas maganda pa rin kung financially independent ke meron husband or wala, ke meron ka brother na taga provide.

Sabi nga ni Priyanka Chopra "My mom always says that when a woman is financially independent, she has the ability to live life in her own terms. That was the best advice I ever got. No matter where you go in life or who you get married to, you have to be financial independent. You don't know which curve balls life will throw at you. Hence you need to have the ability to take care of yourself and people whom you love. It gives you ability to protect yourself when life happens, to stand on your own feet and say that alright I can do something about it without being helpless."

Ngayon nagtetraining ako online dahil nag decide ako mag work online sapagkat bigo ako sa kaka aapply ng work sa labas.

So I think may pag asa naman. Meron ka naman experience. Mag work at home ka na lang at I have a feeling mas madali ka makakahanap ng work doon lalo na meron kang experience pero magtraining ka muna online. Para sa akin mas mabisa iyon at pagkatapos malaki pa ang kita. Malaki ang kita kapag naging freelancer ka. Nagtetraining ako as a freelancing dahil kailangan ko ma enhance ang skills ko. Doon kahit walang age requirement at hindi pihikan ang mga client. Basta may skills lang ay ehihired ka nila at pang international pa. Maganda ang iyo dahil meron ka ng experience.

Ako ang walang experience. Nagtetraining man ako, nangangapa pa rin ako dahil hindi ko naranasan magkatrabaho sa labas ng bahay at wala talaga ako job experience.

Subukan mo ang fva academy. Training iyon sa mga tao gusto mag freelancer. Meron nga ako narinig na tao na naka experience na nagpagawa lang ng client ng website sa kanya for company, binayaran na siya ng million. I.T. kase iyon at meron ng experience so mapalad ang mga tao na meron ng job experience kaya huwag kang gumive up. May pag-asa pa. Mag freelancing ka na lang kapag lahat ay wala ng pag-asa makahanap ng trabaho sa labas ng bahay.

Search mo ang fva academy on google search. Legit sila.
 
Last edited:
Ganyan din po ako degree holder and board passer din po ako. Kahit hirap makapasok mag apapply muli ako hanggat pasok pa ang edad ko..

Ngayon kasi ts di lang sapat ang degree holder ngayon kailangan may professional eligilbility ka kaya kung wala ka pa mag exam ka ng CSC degree holder ka naman. Mas maraming magagandang trabaho pa mapapasokan mo.
 
Back
Top