What's new

Help Grounds for DOLE?

Piskota

Forum Veteran
tanong ko lang po if lagpas na ng 30 days from last day of duty sa isang kompanya at di pa nabibigyan ng last pay. pwede po ba ito maging grounds for complaint?
 
Oo, maaaring maging grounds for complaint ang hindi pagbibigay ng last pay kung lagpas na ng 30 araw mula sa huling araw ng trabaho. Batay sa Labor Code ng Pilipinas, ang employer ay dapat magbayad ng lahat ng mga benepisyo, kasama na ang last pay, sa mga empleyadong nagresign o natanggal mula sa trabaho.

Kung nais ninyong maghain ng complaint, maaari ninyong gawin ang mga sumusunod:

1. Magsagawa muna ng pakikipag-usap sa inyong dating employer. Subukan ninyong magtanong kung bakit hindi pa naibibigay ang inyong last pay at hilingin na ito ay mabigay sa inyo.

2. Kung hindi nagresulta ang pakikipag-usap, maaaring magsumite kayo ng reklamo sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office kung saan naganap ang trabaho. Isumite ang mga kinakailangang dokumento tulad ng kopya ng iyong huling payslip at resignation letter.

3. Sa DOLE, maaari kang maghain ng request para sa conciliation conference upang subukan ang pag-aayos sa pagitan mo at ng iyong dating employer. Kung hindi matutugunan ang reklamo sa conciliation conference, maaari kang magsampa ng formal na kaso laban sa iyong dating employer.

Mahalaga rin na tandaan na ang paghahain ng reklamo ay dapat gawin sa loob ng isang taon mula sa petsa ng hindi pagbibigay ng last pay.
 
Last day of duty as in resigned ka na? NLRC na may sakop niyan kapag wala ka na sa kumpanya mo. Ewan ko lang kung hanggang kailan dapat ibigay ang backpay. Tumawag ka muna sa DOLE o NLRC para sure. Usually may advise sa inyo dapat kung kailan aasahan ang backpay.
 
In good terms?
(Just making sure lang na hindi ka terminated or anything like that)...

Last day of duty as in resigned ka na? NLRC na may sakop niyan kapag wala ka na sa kumpanya mo. Ewan ko lang kung hanggang kailan dapat ibigay ang backpay. Tumawag ka muna sa DOLE o NLRC para sure. Usually may advise sa inyo dapat kung kailan aasahan ang backpay.
nung exit interview ko kasi mga boss sabi ng hr namin na 30 days daw bago ko makuha ang last pay kaso until now 45days na wala pa rin nag follow up na ako ayaw naman sagutin through phone calls.
 
nung exit interview ko kasi mga boss sabi ng hr namin na 30 days daw bago ko makuha ang last pay kaso until now 45days na wala pa rin nag follow up na ako ayaw naman sagutin through phone calls.
30 days nga ang deadline ng employer na ibigay ang last pay sabi ng DOLE advisory na 'to. DOLE pala hahawak sa concern mo hindi NLRC. Legally uu pwede ka na pumunta sa DOLE office na nakakasakop sa dati mong employer para magsumbong pero kung ako lang ha susubukan ko lang mangulit pa ng isang beses bago ako pumunta sa DOLE.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top