anak mo nga ako mommy naabutan ko yan mga panahong ipinapasyal mo ako sa jollibee at tindahan ng mga laruan sa gift gates, madaming alaala talaga hehe
naunang nasunog daw yang ever at ginawa na ngang sm hypermarket, yung grand central naman pagkaka tanda ko 2012 papasok ako sa work pag baba ko sa monumento ay kita ko na lang na sunog na pala at inaapula ang apoy. may mga nagsabi na inside job, sinadyang sunugin dahil sa laki ng tax na utang na hindi nababayaran... tapos ilang taon ang lumipas sabi ng kaibigan ko ay sm daw ang itatayo pero di ako naniwala kasi may sm hypermarket naman na.. at ayun na nga unti unti hinarangan ang nasunog na grand central at nakita ko sa fb ang soon to open na sm grand central kaya nung makapasyal ullit ako sa monumento ay nilibot ko ito mula lower ground floor hanngang 5th floor.
bago pa ito maitayo ay nagka sunog naman sa katapat nitong mall ang victory central mall, sa ngayon ay naging maganda muli ang dating mall. Hindi ko alam kung sino naka isip na yun ang ipangalan sa sm kasi parang nag merge ng name at ginawang SM Grand at para sa akin masaya ako kasi para akong bumalik sa dating mall na na-innovate na at mas lalong pinaganda... at para sa mga katoliko gaya magugustuhan mo ito dahil sa 5th floor ay may simbahan na maari mong pasyalan kasama ang pamilya mo. kaya sana maka pasyal kayo kahit minsan lang dahil sa sobrang luwag, daming elevator lalo na yung sa gitna , pasiko sikot ako haha. At kahit walang pera ok lang hahaha....
isa pa pala yung mga baba galing lrt ay maari na ring dumerecho dito dahil sa ginawa nilang daanan.