What's new

Closed Graduate ng << b.s.i.t>> pasok please!

Status
Not open for further replies.
Wag mo problemahin masyado ang math. Madaming field ang IT pero lahat naman ng info available na sa web. Isa lang ang mahalagang bala mo, dapat likas kang magaling o may interes matuto sa logic. Kung di mo pagsisikapan matuto nyan, kahit makagraduate ka pa puro kamot sa ulo aabutin mo sa trabaho.
 
Ito lang na observed ko base on what I've encounter and experiences dpat mrun kang abstract thinking, logical thinking and critical thinking.
 
Very Important kung kukunin mo ang IT, 1. Flow Chart make sure na maiintindihan mo yan kapag tinuro, dahil yan ang based ng porgramming, kahit anung language magagamit mo yan, 2. Lgoc/Math, make sure din na marunong ka sa logic hindi yung puro program lang pero hindi mo alam kung anung ibibigay na output, 3. and last, make sure na mag practice para maka discover and Research.
Hindi ako BSIT pero yan ang sabi ng mga prof ko sa programming
 
Share ang maraming tutorial kung panu matutunan yung programming kung maiintindhan mo sya ng mas maaga advantage muna yun, sa it kaylangan ng tyaga at diskarte kung panu iintindhin yung mga walang kwenta instructor sorry for the word but thats the truth haha
 
hmmp. wag ka matakot sa math kasi understandable yan, madali lang maintindihan lalo na pag iaapply mo na. matakot ka sa minor subject na feeling major hahaha hindi lang naman kasi programming ang aaralin mo sa college haha.
 
Ahmm . kung gusto mo talagang mag IT kunin mo , kahit mahirap kayanin mo, wala namang course na madali ih , kahit yung HRM tuturuan ka nang tamang hiwa,ayos ng unan Hahahaha . Nasa iyo kung gugustuhin mo hindi , I'm BSIT 1st year , nung una mahirap kasi di ako nakikinig pero pag nakikinig ng maayos makukuha mo din , pero ngayon di ko padin na kukuha Hahahaha , una palang naman ito ih kakayanin ko pa yung sunod , magiging 2nd year nako
 
Pa confirm sa naka graduate na, may calculus ba?

meron ako calculus ts noon pero tagal na yun 1st batch pa kami ng bsit sa ama. Di ko na alam ngayon dami na bago. Pero di din ako magaling sa math. Pasang awa mga exam ko sa math. Di ko man yata naaply ngayon sa trabaho. Pagdating sa trabaho pagagamitin ka ng iba language o system di mo kabisado. Pero madali ka lang makakaadopt kung gets mo yung logic.
 
Last edited:
Ahmm . kung gusto mo talagang mag IT kunin mo , kahit mahirap kayanin mo, wala namang course na madali ih , kahit yung HRM tuturuan ka nang tamang hiwa,ayos ng unan Hahahaha . Nasa iyo kung gugustuhin mo hindi , I'm BSIT 1st year , nung una mahirap kasi di ako nakikinig pero pag nakikinig ng maayos makukuha mo din , pero ngayon di ko padin na kukuha Hahahaha , una palang naman ito ih kakayanin ko pa yung sunod , magiging 2nd year nako
Same tayo boss
 
Very Important kung kukunin mo ang IT, 1. Flow Chart make sure na maiintindihan mo yan kapag tinuro, dahil yan ang based ng porgramming, kahit anung language magagamit mo yan, 2. Lgoc/Math, make sure din na marunong ka sa logic hindi yung puro program lang pero hindi mo alam kung anung ibibigay na output, 3. and last, make sure na mag practice para maka discover and Research.
Hindi ako BSIT pero yan ang sabi ng mga prof ko sa programming
Hinde nga maayos naituro saamen yang flow chart e putek
 
Hi boss, nabasa ko 'to kaya napacomment ako.

Una, hindi madaling mag IT bakit? Computer Course siya at dapat magaling ka sa mga Math Subject pero ang nagpasakit talaga sa ulo ko ay yung discrete math huhu.


Pangalawa, dapat magaling kag mag program. Ang IT ay nag fofocus sa mga programming languages at take note, maraming languages ang dapat mong matutunan, una na riyan ang Java.

Pangatlo, palaging umaga kana matutulog kase sa dami mong ipapasa na system kung mag thethesis na kayo eh puyatan talaga yun.

Note: Lahat naman talaga ng Program or Course ay hindi madali kase may ibat-ibang pinagaaralan yan, ang dapat mo lang gawin kung IT nga ang kukunin mo ay dapat matyaga ka sa pag cocode m, dapat laging makinig sa mga instructor or prof mo especially sa major courses mo, like Programming kase dyan talaga ang titibayin ang luob mo sa field na yan.


2nd year IT palang ako paps pero alam mo bang malapit na akong mag give up kaya lang sayang naman yung nasimulan ko, not to mention galing pala ako ng Education ahahahahaha


Patibayan ng loob dito paps at kung hindi mo talaga alam ang gagawin wag kang mahiyang magtanong (insert may rite med ba nito song) HAHAHAHAHAHA jk, mag tanong ka sa mas may alam sayo kase dun ka mas matototo, hindi lahat ng instructor mo ay ituturo lahat sayo.


I hope kung kukuha kaman ng IT COURSE sana wag kang mapagod kase hindi mo alam 5 years from now eh, gagawa kana ng pinaka downloaded na apps sa kasaysayan :)

Yan lang at maraming salamat sa pagbabasa hahaha


Sorry kung mahaba.
 
..maganda ang bsit na course..marami kang magiging opportunity sa work na papaxukan mo..hindi nman puro math ang pagaaralan mo dun..binary numbers at logic,,trobleshooting and programming..wala nmang mahirap basta magsumikap ka..makakamit mo pangarap mo..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. BSIT TESDA
Back
Top