- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,571
- Reaction
- 7,226
- Points
- 2,574
Tiyak na familiar ka na sa mga post namin dito tungkol sa Paraisong Lupa
Iyan din ang nadarama ko. Excited ako sa Mas Magandang Mundo. At nalalapit na ito!
Pero sinasabi ba ng Bibliya kung kailan mangyayari ito? May specific date and time ba?
Check natin sa Bible
Manatili kayong mapagmasid, manatili kayong gisíng, dahil hindi ninyo alam kung kailan ang takdang panahon.”—MARCOS 13:33
Ibig sabihin: Walang taong nakakaalam kung kailan eksaktong darating ang wakas ng sistemang ito. Pero may “takdang panahon” ang Diyos—eksaktong “araw at oras”—kung kailan darating ang wakas. (Mateo 24:36)
At nagbigay Siya nang mga palatandaan.
Tingnan natin ang checklist ng ilang signs and find out kung malapit na:
W-alang tigil na digmaan sa ibat ibang lugar (Mateo 24:7)
A-ng taggutom (Lucas 21:11)
K-asamaan ng ugali ng mga tao(2Tim.3:1-5)
A-ng nakamamatay na mga lindol(Mateo 24:7)
S-akit at epidemic(Lucas 21:11)
Malapit na ba? Nakikita mo na ba ang mga tanda?
Oo! Napakalapit nang magwakas ng pamamahala ng tao. At ito ang GOOD NEWS: Puwede kang makaligtas sa wakas ng mundo at makasama sa Paraisong lupa na ipinangako ng DIYOS. Paano?
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.