Sabi ng teacher ko dati, feelings are always mutual. Pag galit ka sa tao galit din yun sayo and such. Naisip ko nun hindi rin. Pero sa sitwasyon ko ngayon... there's this person kase. Share ako isang pangyayari. Alam ko relate kayo dito ano kase, di naman kami gaano nag chachat, kung magusap man, about memes lang at school works. Hindi naman kami cold sa isatisa, pero ako pinipilit kong iminimize replies ko, tipid lang ganun. Hindi ko naman siya crush or whatsoever pero ano kase, mahilig siya mangurot mamitik manampal etc. At araw araw, parang normal nang iexpect kong gagawin niya ang kahit isa sa mga yon saakin. Hmm? Hindi naman yun macoconsider as crush agad right? Haha balik tayo. Edi yun nga. Slightly nagpapacold ako sa chat namin, pero everytime, lalo na pag nakikita ko active status niya --(actually siya dahilan kaya nagsimula na kong magturn on ng active status, para alam kong online siya? Or para makita niyang online ako and who knows malaaay mo mag chAaaT? Hays)-- ewan parang ang sarap kausapin. At ang magaling, laging umaayon. Kumbaga isipin ko palang, mayamaya magmemessage siya. Pero di natagal ng 30 mins convo namen. Or kunwari naglalakad ako pauwi tas iniisip ko ichat kaya ulit ako nun kase kagabi nagchat siya kahit onti. ??? Then tada paguwi ko may message siya. Ang bumabagabag saken, ako lang ba? Kumbaga habang tinitignan ko ba active status niya tinitignan niya den aken tapos nagiisip dahilan para machat ako, tapos nagkakataong lagi lang siya yung nauuna magchat? Nonsense ba? Ang assuming noh haha pero ano kaseee, I can feel that person. Alam ko yung pagiging touchy at clingy niya hindi na bago, actually ganun siya sa lahat. Pero, ramdam ko kase e, alam mo yung pakiramdam na pinapakiramdaman niyo isatisa blabla. Na ewan basta haha naguguluhan ako. Pero uy a sa totoo lang ako yung taong nagtetend to remove lahat ng malisya, ayoko kase magmukhang assuming. Lahat ng thoughts na shinare ko sainyo today ilang linggo ko na ding kinikimkim while saying to myself ng paulitulit na "hindi yun, wala yun, ganun siya sa lahat, suuus normal lang yon, blabla" Sadyang malala lang na ata ko kaya di ko kinaya kailangan ng mapagbabahagian. Wala mang sumagot dito atlis nailabas ko haha salamat sa paforum.