What's new

S·T·S Giga app points scammer dito sa PHC

Status
Not open for further replies.

NEKO7

Eternal Poster
Joined
Feb 16, 2016
Posts
816
Reaction
756
Points
384
First of all pwede nyo naman claim yung free gigapoints nyo dito mismo sa giga app

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Hahanapin nyo lang kung asan , madalas naman may nagpopost dito kung asan

usually nasa More giga tab lang yan

These has come to my attention lately meron ditong nagpopost ng link na dun nyo daw pwede maclaim at may bug daw na dadame points nyo , pero pagpunta nyo sa site need nyo enter yung password at number nyo, dun palang di na ba kayo nagduda? Sabi nya di raw kanya yung site at dun yun galing sa unang naban na unang nagpublish non pero lately inupdate pa nga nya yung link, pati nga title ng post dahil nabasa nya na yata yung post ko na warning sa mga nag iinput sa link na binibigay nya . Hindi ko alam ano kung sya din ba yung naban o magkasabwat sila bat nya pinupush yung mga link na yon. Pero isa lang malinaw dyan yung site o links nya na yon Phishing site yon. Madadale nya yung account nyo .

Pano? once na nag log in na kayo dun sa site with your number and password , ichecheck nya yan kung naka link paymaya nyo o mga cards nyo sa account , tapos pag may nakita shang naka bind mag aadd sha ng number sa account nyo tsaka sha magpupurchase ng load gamit yung naka bind nyong payment method papunta sa number na inadd nya sa account nyo. Sa ngayon tuloy lang yan hanggang makadali yan ng malake maglalaho nalang bigla yan. Matagal ko ng nirereport yang taong yan , yung unang account na naban nireport ko din yun, ewan ko bat yung isang yan di pa nababan. Friendly kasi sha kaya kala mo goods yang taong yan.

Kung ayaw nyo maniwala goodluck sa inyo.
 
Last edited:
Ps, syempre sasabihin nyo okay naman nakaclaim kayo, malamang dahil sya na mismo nagclaim non para sa inyo para goodshot sya sa inyo. Ininput nyo ba naman number at password ninyo.
 
Duda rin ako sa kanya ts. Binabasa ko rin mga replies, mukhang walang kaalam-alam sa risk na mangyari sa mga account or information nila.
 
May disclaimer naman yun TS, at kung scam nga yun deleted na sana yung thread na yun ngayon.
Screenshot_20220206-105435_Kiwi Browser.jpg
 
Attachments

Duda rin ako sa kanya ts. Binabasa ko rin mga replies, mukhang walang kaalam-alam sa risk na mangyari sa mga account or information nila.
Baka nga sya din yung QUIBULOY, grupo ata yan sila dito o iisang tao na maraming account.

May disclaimer naman yun TS, at kung scam nga yun deleted na sana yung thread na yun ngayon.
View attachment 1811461Embeded sa site yan brad hindi warning ng phcorner yan. Kahit ako kung gusto ko mangscam lalagyan ko ng ganyan pero di ganyan mga engot lang maattract nyan.
 
Yes, may chance na mananakaw talaga bal mo pag may nakalink na paymaya sa gigalife mo, pero need naman talaga user/pass para claim ang rewards, may disclaimer naman dun kung may duda ka wag mo subukan tapos sinabi naman sa isang post nya na wag i login ang main account nyo dun kung may duda kayo.
 
Last edited:
May otp na ata ngayon sa gigalife kaya kahit ilink nila para mapasa yung load, di nila makukuha kasi mag tetext yung otp sa number mo. Ewan nalang kung kaya nila ibypass yung otp
 
Baka nga sya din yung QUIBULOY, grupo ata yan sila dito o iisang tao na maraming account.
wala namang pilitan dyan, tsaka engot lang din po maglalagay ng main account diyan,

May otp na ata ngayon sa gigalife kaya kahit ilink nila para mapasa yung load, di nila makukuha kasi mag tetext yung otp sa number mo. Ewan nalang kung kaya nila ibypass yung otp
hindi po ata kaya yun ibypass OTP kailangan pa din ng consent dun sa mismong number para mapasa yung mga text sa number mo.
 
Ramdam ko talaga na madame dito walang pake sa kapwa user kaya sige lang kunsintihin nyo yan , iniiwas ko lang kayo sa kapahamakan , di naman lahat dito ma malinaw na pananaw sa ganyan. Alam mo basic move yang disclaimer ng mga scammer para magmukang oy legit toh Ano ba naman umabot kayo sa phcorner nadadale pa rin kayo ng clickbaiting. Umay Goodluck sa inyo.
 
wala namang pilitan dyan, tsaka engot lang din po maglalagay ng main account diyan,

hindi po ata kaya yun ibypass OTP kailangan pa din ng consent dun sa mismong number para mapasa yung mga text sa number mo.
no need otp po para ma transfer load from linked paymaya account sa gigalife to other sts number

pwede naman change pass pagkatapos since nasasainyo naman sim, di ko po kinokonsente yung pagamit sa ganung link, nag warning nadin ako before about dito, bsta after using the link pls change pass yung account nyo
 
Yes po alam ko po yan.
 
Ramdam ko talaga na madame dito walang pake sa kapwa user kaya sige lang kunsintihin nyo yan , iniiwas ko lang kayo sa kapahamakan , di naman lahat dito ma malinaw na pananaw sa ganyan. Alam mo basic move yang disclaimer ng mga scammer para magmukang oy legit toh Ano ba naman umabot kayo sa phcorner nadadale pa rin kayo ng clickbaiting. Umay Goodluck sa inyo.
No worries ako ts, kasi nagbasa ako ng feedback bago ko iclick yung site at alam kong may risk ang paggamit nun at tinake ko yun,
 
For example: Nakuha ko yung gigalife account nyo na may nakalink na paymaya account sa gigapay, kayang kaya ko e transfer yung balance ng paymaya nyo na naka link sa gigalife/gigapay via load papunta sa sts number ko without linking or using lifeline, yung di lang mananakaw is yung load balance na mismo ng sim, need kasi otp yan sa lifeline.

i think pwede din ata yun via quickview dati pero di ko pa na try, anyways ingat mga ka phc stay safe
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top