What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

GF problems. Help!

llysa1223

Enthusiast
Established
Joined
Jan 17, 2017
Messages
115
Reaction
9
Everyday nalang kasi nag aaway kami ng gf ko. Solution ba talaga ang cool off? Feeling ko kasi pag pumayag ako diretso na yun sa break up.
 
Mikomik04

Honorary Poster
Pag usapan nyo ng harapan lods pangit yung cool off para sakin huh, kasi may gf ako dati cool off ay nahantong sa hiwalayan. Pero meron din naman siguro na nakaranas yung cool off eh puwede pa meron naman ganun.
 
Comment

PHC-EldonSpade

Honorary Poster
Magpakumbaba at mapagpahinuhod ka. Normal lang talaga 'yan sa relasyon na dumarating sa punto na may pag-aaway. Pag-isipan mong mabuti, kung mahal mo nga talaga siya at gano'n din siya sa'yo, bakit ka makikipaghiwalay? Sa bandang huli, masasaktan mo lang sarili mo at masasaktan mo rin siya. Mangyaring makipag-ayos ka sa kaniya ng may sincerity, isipin mo nalang kung paano kayo nagsimulang mag-ibigan, kung paano mo siya niligawan na may pasensiya hanggang sa makamit mo ang matamis niyang "oo". Isipin mo nga, dapat lagi mong isipin na kahit na nagkamali ka o kahit na siya ang nagkamali, kung nakakaunawa ka, unawain mo siya at humingi ng tawad sa pagkukulang mo. Suyuin mo siya ng buong sikap na may dala-dalang pagmamahal, hindi yung galit siya tapos galit ka rin, edi pag-aaway ang labas niyan, 'diba? So, dapat kung galit siya, mahalin mo parin siya, instead na magalit ka rin mas mabuting lambing mo nalang siya, isipin mo nalang na most of girls madalas sinusumpong ng toyo kaya dapat nakahanda ka riyan. Haha! Matuto tayong mapagpasensiya sa pag-unawa sa kanila at maging kalmado at akuin nalang na tayo ang nagkamali tapos iparamdam mo yung pagmamahal mo sa kaniya baka sakaling sa hindi mo pagsuko, ma-appreciate niya kung gaano ka, ka-sincere na makipag-ayos, na gusto mo bati ulit kayo at ibalik ang tamis ng pag-ibig. Haha!
 
Comment

etchos_30

galing naman ni sir expert na expert ahhh, nakakuha ako ng tips jan ahahaha
 
Comment

kuyhaa_whitehat_PHC

Forum Veteran
Constant communication & Trust is the key TS.
Palamigin mo muna, give it a time. Mag usap kayo be matured enough, humingi ka ng tawad kahit tingin mong sya ang may mali. Wag patagalin ang situation na yan, trust me pag tumagal yan hahantong yan sa hiwalayan. Iba na ngayon ang henerasyon ng mga kababaihan (not all, but some), madali lang yan sila makahanap ng iba.
Based on experience , noong highschool ako nakipag cool off sakin yung gf ko tapos kinabukasan nakipag break at meron na syang ibang BF. Bsta kung mahal mo tlaga sya kelangan mo mag sacripisyo..
 
Comment

dee-u

Honorary Poster
Kung mahal mo at mahal ka niya bakit palagi kayong nag-aaway? Petty things lang ba pinag-aawayan ninyo? Hindi ba puwedeng maiwasan ang mga rason ng away ninyo?
 
Comment

Yixzu

Honorary Poster
Cool off is not the answer. Marami akong kakilalang ganyan na nauwi sa hiwalayan. Usap kayo pag hindi kayo galit kasi ang taong galit, sarili lang ang naririnig nyan. So kalma and forget unecessary pride kapag nag-usap kayo para marealize nyo kung bakit o ano ba talaga ang pinag-aawayan nyo. Ba't ba naman kasi kayo nag-aaway araw-araw? 😅 world war 3 is real.
 
Comment

cassiel

Addict
dun po tau sa rason kung bakit kayo nag aaway, o san nagsisimula ang away, minsan kasi nagpapalambing lang yung babae hahahaha
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,537
Guests online
1,224
Total visitors
2,761

Forum statistics

Threads
780,132
Messages
15,426,461
Members
1,417,806
Top