What's new

Tutorial GENSHIN IMPACT Q & A Thread

kimimaru23

Established
Joined
Nov 22, 2014
Posts
728
Reaction
145
Age
31
Hello,

madami akong nakikitang questions regarding sa Genshin Impact. so im posting this thread to answer all of of your possible question.

You can also share your theory regarding the game.

Basic Game Tips: (from my experience)
1st in the list is Quest. Either Archon Quest, Daily Quest, Side Quest, Reputation Quest
- Mahalagang unahin tong quest na to kasi ito yung nagbibigay ng malaking experience, Mora at Primogems.Self Explenatory naman lahat ng quest kung ano ipapagawa and don't forget not to skip the dialogue( if your really rooting for the story)

2nd is Map Exploration
- Upon questing, madadaanan mo lahat ng teleport portal na mag uunlock ng view sa Map. mas magandang na unlock mo na din to para mas mpadali ang daily quests mo.

3rd is Anemocolous and Geomoculus Collection
- While exploring the map, makikita mo tong dalawang item na to sa Monstadt at Liyue. Before, manual tong hinuhunt pero ngayon meron ng interactive na map sa playstore na mag guguide sayo ng location. Ito rin ang gagamitin mo para ma level up yung mga Statue of the Seven na teleport waypoint. (each level my binibigay na reward. max to level 10)

4th is Level Up/ Accession Materials, Food Materials/ Ingredients, Mineral Farming,
- Along the way, madadaanan mo lahat ng to sa map like eggs, fowls, fruit, flower, drop ng mobs na items, different type ng minerals. icollect mo lang lahat to at d mo namamalayan nkakaipon ka ng madami which is usable later part ng game. Ito rin ang gagamitin mo sa pag enhance ng weapon, level ng character, and pag gawa ng food buff/potion

5th Artifacts
- usually sa domain mo to mkukuha or reward sa certain quest. minsan drop din ng boss. for early game, best is to use purple item which is 4 star. ito na ang pinaka ideal na artifact hanggang AR45, bukod sa mamaximize mo ang use nito during the early stage of the game, mamiminimize mo din ang pag gamit ng accession materials at Mora. during AR50 and up madami kang mkukuhang 5 star na mas pag gagamitin mo ng materials and Mora.

6th Weapon
- Basicaly Crafted Weapon and best para sa lahat ng character in the early game. Unless malakas ka magload, mkakakuha ka ng magagandang weapon sa pag pull ng wish. Pero sa mga F2P, crafted weapon is very ideal specially sa early stage. As mentioned before, mkukua mo ang enhancement materials nito sa world map. so mahalagang kunin lahat ng pwdng maloot while exploring.

7th Character's Build and Elemental Resonance
- ito siguro ang isa sa mga madalas hindi pinapansin ng ibang nagsisimula. Basically, meron element ang bawat character na need iutilize para matake advantage natin yung team. specially the resonance sa party member. malaking bagay kasi ang nagagawa ng elemental reaction sa isang part dahil nagbibigay ito ng bonus damage once matrigger. Example ng elemental reaction na pwdng mautilize is, Overload, Melt, Vaporize etc.



EDIT: For Endgame Players AR57 UP, ano ba ang best daily routine?
We'll Id say,
-Daily Comission
-Weekly Battle Pass Mission
-Map Boss
-Mineral Farming
-Artifact Farm at Last
- Serenitea POT
Im and avid fan of the game and I was playing since early 2020 and currently nsa AR56 - W8 na.



2.1 FREEMOGEMS!

CODE: DSPVUN2BKH5M
💎 100 Primogems
CODE: CB7UU6KT2H59
💎 100 Primogems
CODE: NTPVU7JTJYPD
💎 100 Primogems
 
Last edited:
hello po patambay ako dito.. dati ako naglalaro ng genshin kaso nga lang hindi na kinakawa ng cp ko huhuhu so na stop ako. mimiss ko na umakyat ng bundok with lisa huhuhuhuu
 

kimimaru23

Established
hello po patambay ako dito.. dati ako naglalaro ng genshin kaso nga lang hindi na kinakawa ng cp ko huhuhu so na stop ako. mimiss ko na umakyat ng bundok with lisa huhuhuhuu
sure. feel free to tambay. sorry to hear kung d talga kaya ng phone, better na wag ipilit at baka matuluyan. anyways, welcome
 

kimimaru23

Established
hirap magpataba anu ba teknikan dito haha
wala namang technique mgpataba ng character, it's more like daily farming and questing para makuha yung proper na accession materials. kahaya ko, kahit wala pa yung hero or upcoming pa lang finafarm ko na yung need na items for accession, talent, at weapon enhancement, pag dating ng hero, instant level 90 agad with decescent talent.

for the artifacts naman, you may focus muna sa main hero na ginagamit mo,
if DPS type na hero, better to focus on the following

TimePiece = ATK%
Goblet = Hyro/Pyro/Anemo/ Electro/Geo Bonus Damage (depende sa type ng hero na gamit mo)
Circlet = Crit Rate or Crit DmG

focus din sa farming ng artifact na my good substat such as ATK%, Crit Rate, Crit DMG although madalang lumabas to sa domain. atleast utilize muna kung anong substat ang magbebenefit sa hero mo
 

Anotheru51

Established
Hello patambay din dito. Not familiar sa game pero balak ko na mag dl kakapamana lang ng compatible phone para sa game. Any promo codes?. Thank youu
 

bhosxkiller

Established
Here's my Q po
1. Bakit po laging Solo napapanoon ko sa YT, ayoko mag DL kasi Solo lng mabilis ako maboring pag Solo, másáráp po kasi ung kalaro.. este may kalaro...

2. Ilan Total size ng GI ngayon July 16/21 and ilan GB kada Update?
3. Oppo A12 po gamit ko Not sure kung compatible or laggy
4/64 GB storage
Android 9
 

kimimaru23

Established
Here's my Q po
1. Bakit po laging Solo napapanoon ko sa YT, ayoko mag DL kasi Solo lng mabilis ako maboring pag Solo, másáráp po kasi ung kalaro.. este may kalaro...

2. Ilan Total size ng GI ngayon July 16/21 and ilan GB kada Update?
3. Oppo A12 po gamit ko Not sure kung compatible or laggy
4/64 GB storage
Android 9
1. at some point in the game, meron talagang quest or domain na solo mo gagawin. yung iba naman, pwdng may kasamang ibang player maximum player sa world is 4 ( Including your account)>

  • yung sa YT na solo, kasi content nila yun. so ishoshowcase nila account nila. panget naman ng upload sila tapos mas malakas pa yung kapatry.
  • the rest, gusto lang talga ng solo gaming experience.

2. sa mobile currently nsa 14GB.
3. Recommended configuration:

  • CPU - Qualcomm Snapdragon 845, Kirin 810 and better
  • Memory - 4GB RAM
  • OS - Android 8.1 and above
  • Storage - 8GB space
Minimum Configuration

  • Compatibility requirements - Arm v8a 64 bit
  • Memory - 3GB RAM
  • OS - Android 7.0 and above
  • Storage - 8GB space

    pero hindi maganda sa unit if pinilit yung game sa minimum cofig since possible uminit phone mo at madrain agad battery. Even sa high specs na unit na eencounter to.

    hope it helps sir
 

Momoka

Addict
BTW, napaka hirap pala talagang magpa-level dito... from ar40-45 you will need 19-21 days... fully doing daily and weekly chores.... papaano pakaya yun ar45-50 3months....

ito lang yung ayaw ko dito... matagal pa level...
 

Gestalt

Elite
May I ask kung anong minimum specs ng Genshin Impact PC? Balak ko sana mag-install sa 4gb ram i5 intel laptop ko ng Genshin.
 

New Topics

Online statistics

Members online
1,172
Guests online
1,550
Total visitors
2,722

Forum statistics

Threads
1,168,583
Posts
20,756,896
Members
1,567,722
Attachments
1,619,485
Profile posts
99,328
Top