Yung ninuno ko ay isang "frayle" sa Espana, may naging lihim na anak na babae at ipinakasal sa isang mason (freemason) bago siya ipinatapon pabalik sa Espana ng natalo na ang mga Kastila.
Malungkot din isipin bosing na isang alagad ng Diyos pa ang ninuno ko. Kung ginagawa niya, malamang yung iba noong araw ay ganoon din. Di tama yon! Kaya nga naging free thinker na lang ako't walang saysay yung relihiyon - ano mang uri man yan. Isang kathang isip ng mga ninuno natin, isinalin-salin sa iba't ibang paraan upang mabilog lamang ang ulo ng mga naniniwala. Hinubog lang tayo ng panahon at kasaysayan, kaya dapat bukas ang ating isip sa katotohanan at pagbabago.
Sorry bosing naging serious na he he.
....Aba, hindi naman kaaway ng kilusan ang isang side ng lahi ko, mga sniper naman sila ng guerilla sa panahon ng digmaan laban sa Hapon. You take the point....go, go, go...he he! Lintek lang itong idol ko noon na si Marcos, kinumpiska lahat ng armas namin bago ako umabot ng hustong edad para humawak. Ang naabutan ko na lang ay yung pinakaunang Estrella Parco na de-bomba (airgun) he he. Di man tao ang binabaril ko, ang sarap ng pakiramdam ko noon kapag nakahuli ng 50 - 100 na wild pigeons (yung tinatawag na kulu-kulo at balod). Busog lahat ang tropa at isang linggong ulam ko na.