What's new

Closed Gagamba: batang 90's

Status
Not open for further replies.
K

KingOppai

Guest
Hello sa inyo guys, isang throwback na naman ang ibabahagi ko. Mahilig ako noon manghuli ng gagamba at ngayon ay papangalanan ko ang ilan sa mga kilala ko. Yung mga pangalan na gagamitin ko ay syang tawag sa uri ng gagamba sa aming lugar. Pwede nyo din ishare kung ano mga tawag nyo hahaha para malaman din namin ang ibang tawag sa inyong lugar.

hqdefault.jpg
Sung-gab/Pitik Talahib
Ito yung gagamba na may hugis "V" sa likod, ito din yung sadyang pang laban sa mga pustahan. Para sa akin ito ang pinakamahirap hanapin, (di kasi ako madalas makahanap ng ganto hahaha takot ako maahasan)


images.jpg
Pitik Tagalog
Ito yung mga gagambang nakikita sa mga halaman at puno, isang klase ng "Gagambang Tagalog" ang nasa picture. Madami pang iba di lang ako makahanap sa google hehe. Di ako mahilig pumunta sa mga nagpupustahan ng gagamba talagang laro lang ako neto noon kaya di ko alam kung pinapanlaban din ito. Pero sabi pakain lang daw to.


images (2).jpg
Pitik Hapon
Ito yung gagamba na may malaking marka sa likod kahit anong kulay pa yan. Minsan bilog na bilog ang hugis nito na parang sa Flag ng Japan kaya natawag samin na "Pitik Hapon"

.
images (1).jpg
Pitik Star 1
Ito yung gagambang may marka sa likod na pahaba.


Noong bata ako sila yung pinanghahamon ko ng laban sa ibang bata. Ito namang sunod ang ilan sa mga walang kwentang gagamba haha.


IMG-20180313-WA0038-258x258.jpg
Gagambang Kuba
Sila yung may bukol sa likod.


IMG_20180209_160730-e1518192733685-278x255.jpg
Pitik Lagnat/Pitik Kuryente
Sila yung gagambang nakikita sa Kuryente na pagka laki laki ng bahay na kulay dilaw at sobrang ganit pag hinawakan. Di ko alam kung bakit Pitik Lagnat ang tinawag.


IMG_20190103_155228.jpg
Pitik Mamay
Sila yung mga nakikita sa puno na mahahaba ang kalis na laging nakayupyop at natutulog. Madalas pakain lang din sila.


9b5730de51d46e583c6cbd00f2ba4a2aea75cbbd_full.jpg
Pitik Bahay/Gagambang Bahay
Pinaka common na gagamba dahil meron nito sa bahay nyo.


download (2).jpg
Hinlalawa
Ito yung malaking gagamba na makikita din sa bahay nyo. Pag nangitlog ito ay lagi nyang dala dala sa kanyang tiyan tapos sabi ng matatanda yung pinaglagayan daw ng itlog ay pwede kunin tapos itapat sa liwanag or sa tv tapos pag may na aninag kang numero ay tayaan mo daw sa jueteng at baka tatama. hahaha



Madami pa sana ako isheshare kaso wala ako makita sa google na picture. If meron kayo share nyo lang para maiadd ko dito sa thread. Syempre ilalagay ko name nyo for credits.




Images credit to the right owner.

Nagustuhan nyo ba?
Please Like, Feedback & Follow for more updates
 

Attachments

Last edited by a moderator:
Ang tawag nyan dito samin tigrehan, Gatasan, markang hapon, pulahan, camel, kamandagan . :)
 
Last edited by a moderator:
Ang tawag nyan dito samin tigrehan, Gatasan, markang hapon, pulahan, camel, kamandagan . :)
Meron pang pitik talon, gagambang may gloves, pitik star 4. Wala lang ako makitang pic hhaa
 
Last edited by a moderator:
download (3).jpg
Pitik Star

Sila yung may spike at matigas na likod. Mabagal lang ito maglakad dahil sa mabigat yung likod nila haha.


images (3).jpg
Pitik Talon/Pitik Lundag
Tumatalon sya hahahaha


screen-shot-2012-04-25-at-11-13-18-am.png
Pitik Melon
Mejo may pag ka transparent yung mga galamay nya.


images (4).jpg
Pitik Ekis
Ang bahay niya ay may ekis, itsurang ekis din sya kung matulog.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top