What's new

Closed For ios

Status
Not open for further replies.
Method 1: Ung network kung saan po sya naka-lock, sila ang pwedeng mag unlock/openline nyan. Pwede nilang gawin yun kung wala pong account issue ang iPhone. Halimbawa lang, ung Postpaid na galing sa Smart/Globe, hindi un openline. Nakalock sya sa either network. Kung 2 years ang lock in period nyan at natapos mo, pwede kang magrequest na i-unlock nila para magamitan mo ng ibang SIM card. Usually, libre na lang un. Ngayon, kung hindi mo natapos ang 2 years lock in perion, halimbawa, itinakbo mo lang, lumipat ka ng bahay or lugar, magkakaroon ka ng account issue. Hindi yan maa-unlock. Instead, kukunin pa yan nila kung pumunta ka sa kanila.

Method 2: Merong mga nag-ooffer ng factory unlocking service. Ibibigay mo lng ang IMEI at ia-unlock na nila. Kaso, madalas mahal yan, libo. Depende pa kung saang bansa at network naka-lock ang iPhone.

Method 3: Merong murang paraan para ma-unlock ang iPhone. Yan ung gagamitan mo ng R-SIM, GPP, Gevey, etc. Tig 400 to 600 lang yata ang isang chip nyan. Pero hindi yan Factory Unlocked kundi temporary unlocked lang dahil ginamitan mo ng chip.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top