What's new

Help First Time Job Seeker Certification

Aviatrix

Eternal Poster
Established
Hello po. 1st time job seeker po ako. Kumuha po ako barangay certification para malibre sa mga employment requirements po. Una ko po syang ginamit sa nbi clearance kaso kinuha po ng staff ng nbi yung barangay certificate kasi kanila na daw po yun. Nalito po ako kasi akala ko magagamit ko pa yun para sa iba ko pang requirements like birth certificate at police clearance. Ganun po ba talaga yun? Good for 1 requirement lang po yung free? Akala ko po kasi 1st copy ng mga documents yung free ih ☹️
 
Last edited:
Pag kumuha ka ng certificate sa brgy iyo na yun hinde sa kanila


Pag kukuha ka ng nbi original copy kukunin nila kaya pag isahan lang yun kuha ka nalang ulit sa brgy ng bago
Thank you po. Buti po pala pwede pa po ulit kumuha. Akala ko po kasi isang beses lang kaya nanghinayang po ako.
 
Saan po ba pwede mag apply ng job seeker?
If you meant first time job seeker certification po, sa barangay nyo po pwede kumuha.

Ang gawin mo kuha ka ng brgy certificate tapos print mo nalang ng colored pwede mo sya ulit gamitin sa susunod
Kinukuha po ba ng ibang govt office yung original certificate po gaya ng nbi, or pwede na po yung photocopy sa kanila?
 
If you meant first time job seeker certification po, sa barangay nyo po pwede kumuha.


Kinukuha po ba ng ibang govt office yung original certificate po gaya ng nbi, or pwede na po yung photocopy sa kanila?
Yung iba pwede photocopy lang pero pag nbi original talaga ang kailangan
 
Back
Top