What's new

First gala with krush (ewww ang cringey pakinggan pre)

VPAINVALSEMV

Elite
Joined
Oct 4, 2020
Posts
757
Solutions
1
Reaction
1,200
Share ko lang di ako mapakali pag ikimkim ko to hahaha ayaw ko rin eshare sa friends ko ayos didto anonymous lang hahahaa
So yun nga gusto nya ilibre ko raw sya eh kain daw sa labas ganern...
kaso may social anxiety ako isa akong malaking loser introvert piece of sht hahahaha kaya umayaw ako tas pagkabukas aya pa rin ng aya si krush though sa pabirong way nyna sinabi kaya yung naisip ko chance na rin ito tas kung papayag ako is ito rin yung very first meet namin and bonding (as a friend walang label pre/ ps. di kami sweet sa chat ano lang chill lang parang friends lang).... kaya yung ginamitan ko ng spin the wheel na app kasi di ako makadecide sa sarili ko tas yun tas "g" yung napili ng spin the wheel kaya yon pumayag nako gala kami yiiieeeee(ewww pre badoy mo)

so yun na nga schedule was planned at dumating na actual day parang gusto ko na bawiin yong sinabi ko na gala kami kasi naisip ko if gala kami tas kami lang dalawa eh parang date na yon sheesh kakahiya kung date to ito na yong pinakaunang date sa tanang buhay ko.... fortunatelyyyy nagsama sya ng isang kaibigan nya na kilala ko rin naman kaya yun g nako di na awkward kasi di naman kasi ako palasalita buti nalang madaldal yung kasama nya di awkward yung gala hahahaa....

so ito na yung worst partttt... dahil nga introvert ako malamang nasa bahay lang ako palagi damn wala akong idea san kami maglulunch tas gutom na kami tas yung mga kainan is puno na halos hanggang napunta kami sa isang restaurant na apaka layo na natry ko na dati kaso more on panglalaki yung foods don hahaa di ko alam yung term like kambing yung mga seneserve don sheesh di kasi ako pihikan sa pagkain except lang sa gulay ayaw ko don hahaa sorry since bata pa ko di ko na gusto yon di rin naman kami mayaman pero ewan ko rin sa sarili ko bat ayaw ko sa lasa ng gulay... okay balik tayo dahil nga gutom na kami at layo na namin so yun g na kami tas never pa pala sya nakakain ng kambing meat in her life so yon nabahala ako baka ayaw nya sa food pero triny nya parin di nya na ubos kanin nya pero di ko pa yon naisip bat di nya naubos food nya pagkauwi na sa bahay napaisip ako so yon nga ang worst ng experience kasi don kami kumain sa food na di nya gusto(satingin ko) tas pati pag uwi wala pa akong balak ihatid sya kasi nahihiya ako hahahaa buti nalang magaling yong kasama nya pinagpilitan nyang ihatid ko muna yong kaibigan nya kasi delikado kaya yon hinatid ko damn bakit hindi ako isang gentleman kind of person...

worst gala talagaaaaa lesson learned hindi nako gagala ulit sa bahay nalang talaga ako(napagod ako don sa gala namin eh tas dami ko pang pinagsisihan na di ko dapat sinabi o ginawa or dapat ko gapat ginawa is ganyan ganto HAHAHAHA) hindi na rin ako nagchachat sa kanya though super gusto ko sya pero nakakapagod eh never in my existence pa kasi ako nakatry nyan tas iba pa talaga mga priorities ko ngayon hahahahaha
 
naishare mo ba kay kras yung mga priorities mo?
chat mo ulet..
tapos dun naman kayo gala sa gusto mong puntahan. isama mo sya dun sa lugar na payapa ka, diba malay mo ok din sa kanya yun. fighting lang!
 
sana ol nakagala wid kras huehue
di po sya recommended nakakabaliw po magsstart ka nang ma miss sya charizzzz

Isesend ko na to sa kanya ngayon. Ako yung friend nya na kasama nyo haha lagot ka
HAHAHAHAHA pakitanong na rin kung mutual ba kami charizz lang haha

naishare mo ba kay kras yung mga priorities mo?
chat mo ulet..
tapos dun naman kayo gala sa gusto mong puntahan. isama mo sya dun sa lugar na payapa ka, diba malay mo ok din sa kanya yun. fighting lang!
wag nalang siguro baka as a friend lang talaga yung gala namin sanaol friendly hahahaha
 

Seidloif

God's Broken Masterpiece
Contributor
di po sya recommended nakakabaliw po magsstart ka nang ma miss sya charizzzz


HAHAHAHAHA pakitanong na rin kung mutual ba kami charizz lang haha


wag nalang siguro baka as a friend lang talaga yung gala namin sanaol friendly hahahaha
eyooowt hahahaha ako kasama na sya sa navy nya hahaha nagresign pa nga
 

cosmic wanderer

Established
ok lang yan, mukhang ok naman yung date nyu.

baby steps lang, next time dapat advance kana mag isip at naka plano na ang iyun patibong. meron kana nalaman tungkol sa kanya.
 
D

Deleted member 1954679

relate talaga dito hahaha
kinabahan din ako ng konte nung niyaya ko na manood kaming dalawa ng sine 😂
 
Top