What's new

Trivia FDA: May proseso sa pagpasok, paggamit ng COVID-19 vaccine kahit donasyon ito

Kahit pa sinasabing donasyon ang mga bakunang naiturok sa ilang sundalo, hindi ito dahilan para hindi dumaan sa tamang proseso, sabi ngayong Martes ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, puwede namang magamit ang mga donasyong gamot basta may kaukulang special permit mula sa kanilang ahensiya.

"Halimbawa, mayroon talagang pangangailangan, there’s a situation where you need access to investigational products, you can ask for compassionate special permit," ani Domingo.

"The FDA will check the source, kung sino ang mag-iimport and we can monitor to whom they are given to and kung ano ang magiging outcome ng paggamit," dagdag niya.

Binitiwan ni Domingo ang pahayag matapos sabihin ng Malacañang na donasyon mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm ang mga COVID-19 vaccine na itinurok sa ilang sundalo, partikular sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Nauna nang sinabi ni PSG Commander Brig. Gen. Jesus Durante na naunang mabigyan ng bakuna ang ilang PSG dahil tungkulin nilang protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa lahat ng banta sa kaligtasan nito, kasama na ang COVID-19.

Ayon kay Domingo, mahalaga namang maprotektahan ang mga pangulo sa lahat ng oras pero hindi dapat mabalewala ang tamang proseso at batas.

Umani rin ng batikos mula sa health workers ang pagbabakuna sa ilang PSG dahil sila rin ang una sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Kahit na unang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na walang nalabag na batas dahil boluntaryo ang pagbakuna sa ilang PSG, iba ang pananaw ng FDA.

"Under the FDA law, we are not allowed to import, distribute, sell, use drugs or vaccines that are not registered with the FDA," ani Domingo.

"Ito 'yong iniimbestigahan natin kung paano nakapasok, saan, kung sino ang nag-administer and what the circumstances were around the vaccination to get a full idea of what happened and to see if anybody has civil liabilities."

Bagaman sinabi na may basbas ni Duterte ang pagbabakuna, sinabi ni Domingo na maaaring walang direktang partisipasyon ang pangulo sa mismong pamamahagi ng bakuna.

"Palagay ko hindi naman siguro si presidente ang nagturok, nagbigay ng bakuna," aniya. "We want to know the circumstances surrounding it and how it happened."

Sa ngayon, Pfizer pa lang ang bukod tanging manufacturer na nakapag-apply ng emergency use authorization sa Pilipinas.

Naaprubahan na rin ang plikasyon ng Janssen para sa isasagawang clinical trial sa Pilipinas. Kailangan pang mag-submit ng ilang impormasyon sa FDA ng Sinovac at Clover.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
may mga kapareho rin ng shabu na approved ng FDA para sa mga adik. kaya yung legality naka depende sa FDA.
 
Isulong mo ng maunawan mo and to get what you want. Don't compare the critical situation to nonsense matter. Kung pinanood mo yung sagot ni Congressman Marcoleta, cgurado ako tatahimik ka rin. Hindi ako pro duterte at lalong hindi ako anti duterte. I'm with the good people with beautiful heart. Personal na ginamit ng PSG and never shared to others. They need it at that time and there is no approved vaccine at that time. Sinagot mo ba yung tanong ko na kung may nagka COVID-19 sa PSG at nahawa nila ang Pangulo at anong masasabi mo? They did it for the good purpose.
 
[XX='KingOfAll, c: 688571, m: 1806443'][/XX] bale wala silbi yung approval ng fda. for good purpose naman eh.
yung ginawa nila, di na pala îllégâl, PSG sila eh, above the law.

nakaka smuggle na sila ng vaccine, pero yung approval ng fda wala. mas mahirap siguro yung approval ng fda diba? haha

baka mahawa yung pangulo kaya emergency para sa pangulo diba? may preparation sa smuggling ng vaccine pero walang preparation sa approval.
 
[XX='KingOfAll, c: 688571, m: 1806443'][/XX] napakataas ng posisyon nila para maging desperado at gawin to. habang napakabilis naman ma process to dahil sila'y nasa posisyon na ganyan.
 
Pwedi bang mag approve ang FDA ng gamot na hindi pa approve sa origin country (under development, observation and approval) kasi nga wala pang approve na vaccine at that time? Take Note: Wala pang approve na vaccine at that time. Use your common sense pap.
 
[XX='KingOfAll, c: 688631, m: 1806443'][/XX] dude, yung posisyon nila. the FDA Director said himself na pwede tong ma approve. epescially dahil PSG sila.

sabi niya o:
"Halimbawa, mayroon talagang pangangailangan, there’s a situation where you need access to investigational products, you can ask for compassionate special permit," ani Domingo.

wag mo try mag start ng insulto pls.
 
If something said that insulting your side, sorry for that.

Yun pala eh... kung anong stand ng FDA will be a warning to PSG for next time and that sound good. What is my stand here is ang kasalanan ng PSG ay hindi kasalanan ni Pres. Duterte bagamat pinaglalaban niya ito dahil karugtong siya don dahil sila yong kasamahan niyan lagi sa bawat lakad niya. To make sense na ibahin natin sa *********, shabu at kung ano pang îllégâl drugs na allowed sa iba na sa atin ay hindi. Let us focus the situation and the needs to use by specific people in due time.
 
[XX='KingOfAll, c: 688689, m: 1806443'][/XX] So at-least it's clear na may sala yung PSG for failing to acquire a permit while smuggling and using these vaccines where may rin sala sila sa batas.

Di ko na mention si dogs kahit isang beses sa argumento natin. pinag uusapan natin kung pwede or di pwede tong gawin ng psg at yung legality nito.
 
In my opinion, ginawa ito ng PSG dahil I'm sure ginawa din ito ng PSG ng ibang bansa the way kasi na wala pang approve na vaccine at that time. For sure din na hindi uulitin ng PSG kasi meron ng approve na vaccine at kasama pa sila sa priority to inject with the vaccine. Yong batas ukol dito might be understandle or considered dahil front Liner sila in a sense that a gift from China to Philippines hindi sila nakapag antay na gamitin. For sure Sinovac yan at that time na hindi ito pa approve ang legality ng vaccine na yan pero now Approved na ito to use and distribute. Ang maiiwan nlang is yong issue na using without FDA approve or special permit. Let say kasalanan ng PSG, anong gusto mong ipataw ng violation sa PSG, alisin sila sa pagka PSG?
 
[XX='KingOfAll, c: 688792, m: 1806443'][/XX] yan naman talaga yung issue, walang permit, naging îllégâl.
may republic act sa use of drugs. yan siguro yung ipapatong.
 
Opinyon ko lang ha..You both have a point, kung mag stick tayo sa legalities, as per FDA rule or whatever law is it, me butas talaga dun (unless of course there is some exemption for PSG or any other High Ranking Govt. official that shouldn't be disclosed). Technically, maling tumanggap sila ng bakuna without approval ng FDA. However, me bago ba dito? Sa Pinas lang ba me gumawa nito? Maliban sa PSG tingin ba natin walang Public official na naunang ngpa bakuna despite the fact na wala pang approved na vaccine that time? Pra sakin its clear na ginawa yan not as a favor for the PSG but as a sense of responsibility from them despite the risks for the sake of keeping the President safe from Covid. And instead na batikusin, I think its more proper to commend them for that.

At maidagdag ko lang, yes our laws are open for the public's eyes and interpretation, pwede tayong ngumawa dito na kesyo bawal yan oh bawal to sa batas, and we can be right about it. But we also have to understand that there are rules/guidelines/agreement or kung ano po yan that are never shared with the public in line of course sa level of confidentiality or safety ng High Ranking Official in this case, the President.
 
[XX='smaug152, c: 690015, m: 1650808'][/XX] the thing is, naka smuggle na sila, ginamit pa, pero permit di makuha?
pwede naman na maging secret pa rin kahit humingi sila permission sa fda.
case incompetence ba to? pero competent naman sila sa pag smuggle ng vaccine na yun.
 
Yun nga lang..hahaha...as I said, as per the law.. ang mali ay mali..Kung may underlying reasons man na di pwedeng i disclose at pwede sanang maka pag absuwelto sa kanila, we'll never know for sure. For sure madaming nagpa turok ng so called smuggled vaccine na yan, yun nga lang ang PSG lang ang napuruhan kasi sila lang ang na pangalanan.
 
[XX='smaug152, c: 690232, m: 1650808'][/XX] yup hahaha, nag effort sila pero permit di makuha hahaha
wala akong maisip na pwede nila gamitin na reason. nasa tabi na nga nila yung presidente eh, isang request lang yan sa fda.
magaling lang siguro mag smuggle.
 
Back
Top