What's new

Trivia FDA: May proseso sa pagpasok, paggamit ng COVID-19 vaccine kahit donasyon ito

Kahit pa sinasabing donasyon ang mga bakunang naiturok sa ilang sundalo, hindi ito dahilan para hindi dumaan sa tamang proseso, sabi ngayong Martes ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, puwede namang magamit ang mga donasyong gamot basta may kaukulang special permit mula sa kanilang ahensiya.

"Halimbawa, mayroon talagang pangangailangan, there’s a situation where you need access to investigational products, you can ask for compassionate special permit," ani Domingo.

"The FDA will check the source, kung sino ang mag-iimport and we can monitor to whom they are given to and kung ano ang magiging outcome ng paggamit," dagdag niya.

Binitiwan ni Domingo ang pahayag matapos sabihin ng Malacañang na donasyon mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm ang mga COVID-19 vaccine na itinurok sa ilang sundalo, partikular sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Nauna nang sinabi ni PSG Commander Brig. Gen. Jesus Durante na naunang mabigyan ng bakuna ang ilang PSG dahil tungkulin nilang protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa lahat ng banta sa kaligtasan nito, kasama na ang COVID-19.

Ayon kay Domingo, mahalaga namang maprotektahan ang mga pangulo sa lahat ng oras pero hindi dapat mabalewala ang tamang proseso at batas.

Umani rin ng batikos mula sa health workers ang pagbabakuna sa ilang PSG dahil sila rin ang una sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Kahit na unang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na walang nalabag na batas dahil boluntaryo ang pagbakuna sa ilang PSG, iba ang pananaw ng FDA.

"Under the FDA law, we are not allowed to import, distribute, sell, use drugs or vaccines that are not registered with the FDA," ani Domingo.

"Ito 'yong iniimbestigahan natin kung paano nakapasok, saan, kung sino ang nag-administer and what the circumstances were around the vaccination to get a full idea of what happened and to see if anybody has civil liabilities."

Bagaman sinabi na may basbas ni Duterte ang pagbabakuna, sinabi ni Domingo na maaaring walang direktang partisipasyon ang pangulo sa mismong pamamahagi ng bakuna.

"Palagay ko hindi naman siguro si presidente ang nagturok, nagbigay ng bakuna," aniya. "We want to know the circumstances surrounding it and how it happened."

Sa ngayon, Pfizer pa lang ang bukod tanging manufacturer na nakapag-apply ng emergency use authorization sa Pilipinas.

Naaprubahan na rin ang plikasyon ng Janssen para sa isasagawang clinical trial sa Pilipinas. Kailangan pang mag-submit ng ilang impormasyon sa FDA ng Sinovac at Clover.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
wala pang serious study about it but according to several epidemiologists, it seems that this vaccine will be ok sa new strain of virus
 
https://www.YøùTùbé.com/watch?v=TFapn3Rh0_A

Ito panuorin ninyo para hindi na b-brain wash ng abs cbias sa mga collective news info sa paligid. Alam niyo ba na may mas nauna pa nagpaturok kay sa PSG na naging critic pa ng PSG dahil smuggled na pag pa inject nila. C Ping Lacson. https://www.YøùTùbé.com/watch?v=mXa7mFnfqAE
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ito panuorin ninyo para hindi na b-brain wash ng abs cbias sa mga collective news info sa paligid. Alam niyo ba na may mas nauna pa nagpaturok kay sa PSG na naging critic pa ng PSG dahil smuggled na pag pa inject nila. C Ping Lacson. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Bale invalid na yung sinabi ng FDA dahil nauna si Lacson? nakakalungkot naman
 
Walang batas na mag uusig na bawal kasi nga personal nilang ginamit para sa seguridad dahil baka mahawa pa nila ang pangulo, initiative nila yun. Ximpre sasabihin ng FDA yun kasi yun ang mandato nila. Ang tanong, anong kaso ba ang nilabag nila? FDA VS PSG, parehong sangay ng pamahalaan ng Pilippinas. Bakit ko puproblemahin e personal nmn nilang tinurok sa sari-sarili nila at hindi ka nmn nila dinamay kung sakaling kalukuhan o bawal man ang ginawa nila sa tingin mo.
 
Last edited by a moderator:
[XX='KingOfAll, c: 688276, m: 1806443'][/XX] binasa mo yung statement ng FDA Director?
" Ayon kay Domingo, mahalaga namang maprotektahan ang mga pangulo sa lahat ng oras pero hindi dapat mabalewala ang tamang proseso at batas."
 
anong batas? "Under the FDA law, we are not allowed to import, distribute, sell, use drugs or vaccines that are not registered with the FDA," ani Domingo."
 
Parehong sangay ng pamahalaan ang FDA and PSG. Ang mahalaga jn hindi ka nmn nila dinamay sa kalukuhan nila kung sakaling kalukuhan man ang tingin mo. Bakit mo pinoproblema. Ximpre hindi pa registered kasi wala pang naaaproved na vaccine at that time.
 
Ngayon, baliktarin natin ang idea mo tungkol sa vaccination ng PSG. Anong masasabi mo kung sakaling may tinamaan ng COVID-19 sa PSG at nahawa nila ang Pangulo ng Pilipinas? Sige nga ilatag mo ang pinaka the best na sagot mo. Ginawa nila yan at 99% percent ganyan din ang ginawa ng mga ibang PSG ng ibang bansa. May naririnig ba tayong issue na ganyan sa ibang bansa?
 
Last edited by a moderator:
[XX='KingOfAll, c: 688358, m: 1806443'][/XX] Ah, yan pala, ok ka pala na ignore lang ang batas, wala na pala silbi yung FDA pag ganyan. Ayaw kong sabayan ang palusot na yan.
napaka simpleng permit di makuha, PSG pa naman sila.
di na kita sasabayan, justified na pala sa mata mo eh. siguro kahit mag shabu pwede sila pag may overtime, para naman sa presidente yun.
di na natin problemahin yung mga nag shashabu, personal naman nila yan eh. tapos na yung war on drugs.
 
Bakit kaba nagngangaw pap... anong connection mo sa Vaccine ng PSG, sinama kba sa tinurukan ng PSG? Hayaan mo sila sa issue na yan kasi ang PSG at FDA ay parehong sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas.
 
[XX='KingOfAll, c: 688483, m: 1806443'][/XX] parang sinabi mo na rin na wag na natin pakialaman yung mga gumagamit at bumebenta ng shabu.

they got out of their way to smuggle and use these vaccines. pero simpleng permit di ginawa?

nag post ako ng news, ikaw yung puro comment dito. kung ganyan ka lang naman pala, wag ka na sumali sa mga discussion.
 
kung kapitbahay mo pala gumagamit at bumebenta ng shabu, wag mo nang pakialaman. nakasama ka ba sa gumamit ng shabu?
 
Ang lawak nmn ng pang unawa mo pap. ang vaccine na ginamit ng PSG that time ay wala pang na approved na vaccine. Ang shabu kahit balik baliktarin mo ay îllégâl. Paano mo pinag kukumpara ang dalawa?
 
[XX='KingOfAll, c: 688516, m: 1806443'][/XX] kung di approved ng FDA, îllégâl yan. approved yung marijun sa ibang state ng america, sino nag aaprove? FDA nila diba.
kaya pareho lang ginawa nila kung shabu man yan o vaccine.
 
Back
Top