Boss kung sa online ka bumibili, piliin no lang mga stores na may Mall tag para sure.
Kung sa mismong store ka naman bibili, i-test mo yung SDcard na bibilhin mo. Pwede mo naman subukan kung magread ba sa phone mo. Para malaman mo kung legit/original/not fake ang memory card na nakamount sa android mo, install ka ng SD Insight app. Free lang yun. Madali din gamitin, open mo lang yung app - kapag lumabas brand ng memory card, legit yan.
About sa capacity, huwag ka na magexpect na sakto yan as advertised. Commonly na may bawas yan ng kaunti. Magtaka ka na kung sakto yan o kaya sumobra.