What's new

Electric fan motor

Mahilig din ako sa DIY pero palit piyesa yung kaya ko lang. Assuming stator lang ang pinag-uusapin natin na piyesang sira, mas mainam na lang na magpalit ka na ng rewinded na stator (na generic) na pasok yung rotor diameter ng sira mong fan kaysa magpa-rewind ka pa dahil mas mahal yon. Ang mahirap lang kung enclosed casing yung fan motor ninyo, hindi open type.
Tanungin mo na lang yung wattage ng piyesang pamalit just to know your consumption pag umandar na. Or pasukat mo yung total resistance or max current from testing then compute using Ohm's Law formulas. Fix naman yung voltage natin sa AC na 220V for estimate purposes kaya madaling ma-compute yung power. Yung generic rewinded stator sa mga ng standard electric fan sa repair shop/stores ay naghahalaga pa rin hanggang ngayon from 200-250 pesos at yung repair ay di lalayo from 100-200 pesos pa rin. Walo ang electric fans ko na salitan kaya madalas akong magpa-repair o magpalit ng piyesa kung wala na talagang pag-asa. Sa amin "220" yung stator at yung repair ay "150" at "100" kung maraming i-repair sila. By estimate, di lalayo ng 500 pesos ang total repair kahit pa magpalit ng bushing na sampung piso lang ang isa o 35 pesos na capacitor. One hour maximum yung repair time kung magkape pa at mag-meriyenda yung electrician he he.
Kahit papaano, meron na kayong idea.
 

Similar threads

Back
Top