May chronic migraine ako dala na rin ng vision problem ko na tinatawag na Visual Snow. Itry mo baka kailangan ng mata mo ng correction. If sensitive ka sa light at minsan sa noise (yun yung mga triggers), pwedeng migraine.
Walang gamot ang migraine talaga pero merong triggers na kailangan lang iwasan like sobrang liwanag, sobrang ingay, caffeine, chocolates, softdrinks etc. Pwede din na iwasan ang stress, gutom or kakulangan sa tulog.
Walang gamot pero may mga pang relieve ng pain like Advil or Medicol. Nakakagaan ng symptoms naman ung chemical na theanine na mahahanap mo sa Oolong, Matcha or Green Tea. If makapunta ka ng 7-eleven merong Dong Ding Oolong tea na nasa black na bottle pero ang favorite ko yung green tea na Chai Li Won na may plain at Jasmine (sampaguita) flavors.