Sa tingin ko masyado nang matanda si Duterte para maging pangulo ng Pilipinas. Alam ko marami siyang pangako na hindi natupad sa tagal ng kanyang panunungkulan. Pero kung titignan nating mabuti, sinubukan nyang tuparin lahat ng yun. Yun nga lang, yung mga sinusubukan nyang resolbahin ay mga problemang pinalala na ng panahon at nung mga naunang administrasyon kaya ang hirap ng solusyunan.
Ang magandang nagawa ni Duterte ay ipamulat at isiwalat lahat ng katiwaliang nagaganap ngayon sa pulitika ng bansa sa lahat ng mga mamamayang Pilipino. Siya ang gumawa ng unang hakbang para mapansin at puksain ang mga katiwaliang ito.
Kaya kung ako ang papipiliin, dun ako sa kandidato na may lakas ng loob na solusyunan ang mga katiwalian sa gobyerno. At syempre, dun din ako sa kandidato na may kakayahang ipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan na ni Duterte.