bilib ako kay
Dextroxe mag explain kung bakit flat ang earth.
pero di parin ako kumbinsido.
Naisip ko rin nung bata pa ko. Alam ni GOD ang kung anung mangyayari sa future diba, kaya nga planado nia.
Kung alam nia, bakit ginawa nya paring makasasala sila eba at adan? Kung alam nia na magiging makasalanan mga tao, bakit di nalang nia nireset o binago ung pag program sa mga tao o gawing perpekto mga tao. Para lahat tayo nasa Garden of Eden.
Gaya nga ng halimbawa nyo sir na parang 'program' sa computer, ang main system (CPU) or main processor ay nagrerefresh or reboot for a moment after a 'week' of tireless 'workload' para ma maintain ang flawless function nito.
God created and expected the program to run smoothly. Ginawa nyang finite ang lahat ng sannilikha so as to correct the flaw once na mag appear ang mga malware gaya din ng isang programmer na tiwala sa expected output ng kanilang mga software, they have to test run the program and rewrite codes pag may pumasok na 'virus'. Pag perfect or refined na ang finish product saka nya pa lang ito irerecommend sa trusted clients nito for 'infinity' program recommendation at hindi na kailangang ireprogram pa dahil tried and tested na at working as expected na ang output nito.
Do you think a good programmer will inject or create viruses into his own program? For what purpose? And if malwares(sin/evil) do appear, did he created it alongside with his expected output?
All we knew is that he had given us the 'source code(bible and the old scriptures) so we knew firsthand what to expect from the alpha (beginning) to the omega (end) of it.
Gaya ng mga good software programmers they create programs and knew that it will do good, but to test the worthiness of the program they have to run a series of test runs throughout its programmed 'shelf life' para malaman kung hanggang saan ang threshold(infinity) nito considering na iba iba rin ang kaakibat na mga 'hardware' (finite) components na magpapagana dito. Kaya nga ang tao diumano were created to become an eternal (spiritual) beings from a material (finite) world from the 'beginning' (Eden), and so also shall it be in the end, sa New World.
Nang namahinga si God for a moment nung unang 'creation' accordingly, sa isang iglap diumano ay dyan pumasok si Taning para mag inject ng malware sa creation and the 'rest' is history IRL.
Alam ni God ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari sapagkat it does appear na pinapaging ganap niya ang mga ito. Gaya nga ng sa tao alam Niya ang mga 'binabalak' (nito out of our own concept of 'freewill'), pero ibang usapin na pag yung mga 'binabalak' natin ay isinagawa na natin in action or 'choice' dahil ang kalayaan ay may kaakibat na pananagutan (responsibility) nga naman.
Sinasabing si Satanas diumano ay nainggit sa tao dahil ang tao ay may freewill at ang mga anghel ay wala. Pero ang totoo tulad ng tao ang mga anghel ay may kalayaan 'magparoo't parito' kung nanaisin naman nila because God trusted and expected them to do good because in the beginning God made it so, and saw that it was good.
Si Mang Taning lang naman ang di nasiyahan ng nilikha ang tao na gawa sa alabok na halos kapantay sa (karapatan at kalayaan) ng mga anghel na likha mula diumano sa Kanyang Liwanag.
Isipin mo nga naman si Satanas at ang mga anghel ay nilikha nang sambitin ng Diyos sa pamamagitan ng Salita lamang 'magkaroon ng Liwanag' and so there was Light. Ang tao naman nang nilikha diumano ay bumaba ang 'presensya' ng Diyos sa lupa sa Hardin ng Eden nag-effort siya 'dumakot' ng kapirasong lupa at hinulma at hiningahan Niya ang tao at naging kaluluwang buhay ito. Nagalak ang mga anghel dito (maliban na lang diumano kay Satanas na pakubling di natuwa) lalo pa ng ulitin ng Diyos ang effort nang likhain Niya si Eba, hindi siya nagsalita bagkus 'ginawa' Niya si Eba mula sa tadyang ni Adan, at dahil sa act na ito mas lalong hindi nagalak si Satanas sa kanyang nasilayan kaya 'binalak' na nito mula pa sa simula na linlangin una si Eba at sa gayon si Adam para sirain ang plano (program) ng Diyos sa pasimula pa lamang.
Kung bakit parang 'hinayaan' lang ng Diyos na magkaganito at binigyan na lang tayo ng lunas (si Hesus o sa ibang paniniwala si Allah, YHWH, Ahura, Ashura, etc etc) laban sa nagsulputang malwares (demons/evil) hanggang sa dumating ang wakas sa finite na sistema?
Siguro mainam nga malaman ang mindset at kaisipan ng isang 'master' programmer para maunawaan natin ang Kanyang layunin when we faced 'death' and rebirth itself. Afterall sa reboot or reset nga lang naman talaga natin na i 'encounter si 'Main Program' at duon maiierase na rin lahat ng 'imperfection' at ang lahat ay lilipas na parang sweet memory swipe na lamang.