What's new

DITO DITO Scam nga ba? (Here's my opinion)

Amiel025

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 10, 2018
Posts
1,614
Reaction
2,497
Points
750
Age
21
Now, maraming nagsasabi na scam daw at paasa ang DITO dahil sa walang unli net promo. Pero scam na nga ba si DITO at paasa? Pakibasa ng mabuti ang mga sasabihin ko.

Promo ni DITO 25GB for only ₱199 valid for 30Days (Hindi saaking ss to nakita ko lang dito);
Screenshot_2021-04-16-11-43-58-366_com.facebook.katana.jpg



Promo naman ni Globe GOMO 25GB for ₱300 valid for 30days;
Screenshot_20210416-132047__01.jpg



Eto naman yung Globe sim lang 30GB for ₱2,000 valid for 30days;
Screenshot_2021-04-23-19-47-55-1737848594.png



Ngayon eto naman kinalkula ko para sa mga globe users na hindi naka gomo at hindi nagpapaload ng 1k pataas na nagpapaload lang ng ₱50.

if nagloload ka ng ₱50 valid for 3days which has 3GB data at naka 30 days straight ka nagload ng pa ₱50 lang ang kabuuan is ₱1,500 90GB.

Sa smart diko alam kung magkano loadan doon dahil hindi naman nako nagloload ng smart at hindi ko na rin masearch yung giga50 ewan ko kung bakit hindi ko masearch.

Now here's the question. Matapos mong makita at mabasa yung mga pinakita ko ano sa tingin mo ang sulit at hindi sulit?. Hindi ako fan ng DITO hindi ako fan ng GLOBE at SMART. Ang sinasabi ko lang dito is yung mura at mabilis(hindi ko talaga sure kung mabilis si DITO dahil hindi ko pa natetest dito samin pero may tower na ng DITO saamin).

Kayo na bahala tumingin at kumalkula kung sino ang mura at lugi ang promo. Ang opinyon ko naman about sa DITO is AS OF NOW hindi pa natin sya masasabing lugi dahil nag uumpisa palang ang new telco at hindi pa totally release ang new telco kaya wala pa tayong malinaw na promo ngayon, kundi ang welcome promo lang na unli at 25GB for ₱199. At para naman doon sa mga kinukumpara yung signal ng DITO sa signal ng PLDT. Mates mag speedtest kayo ng gamit data at hindi gamit wifi. Itest nyo yung data speed ng globe or smart sa data speed ng DITO. Hindi yung itetest nyo ang signal ng Globe or PLDT gamit wifi bago itetest nyo yung speed ng DITO gamit data HAHAHAHA. Inuulit ko hindi ako fan ng DITO,GLOBE,SMART ang sinasabi ko dito is mura at sulit AS OF NOW. Sana naintindihan nyo ang opinyon ko, labyu guys wag na kayo magtalo wait wait nalang tayo HAHAHA.
 

Attachments

Sulit nga lods pero ang hindi sulit is yung ₱50 3GB 3days ni globe kasi kung gamer ka at nag ba-browse ka sa mga apps like fb and ig yung 3GB na yon ubos agad bago pa mag expired ang promo mo
 
Kung ako nagloload pa ngayon pipiliin ko talaga si DITO sulit na sulit kasi para saakin
 
Ang ultimate question ko is nagpapatong kaya yung data ni dito? Like sa globe bago mag expire pag nagload ulit sasama yung remaining balance. Super sulit ng DITO promise kahit nakaGOMO ako ahuahuahua 😘
 
Don't compare si Gomo sa Dito paps. 1yr naman kasi expiration ni Gomo, P299 for 30GB na 1 year? Sulit na yan compared sa P199 25GB (With Calls and Texts) for 1 month (Depending on usage). Pero as for Smart and Globe, yeah, sobrang mahal ng promos pero they at least merong variety. Pero depending on how you look at it, if ginamitan mo ng vpn yung promos ni Smart and Globe mas sulit parin compared kay Dito.

And, yung pinakahate ko kay Dito is yung claims nila na "27mbps on year one" at "Double the speed on year 2". Eh bwis*t maliit na nga yung infrastructure nyo ganyan pa gawin nyong claim? Dapat cheap promos nalang claim nyo.

At least si Smart and Globe di nagsasabing ganyan since alam nila na nagvavary by area yan. Eh si Dito ganyan eh, atleast sana nagbigay sila ng fineprint na (Speed may vary depending on time of day and area*). Eh wala, 27mbps daw eh. And I'd assume automatically na everywhere na yan as long as near ka sa tower nila.


Edit:
Sa akin kasi 4 months na yung Gomo sim ko, Php199 lang bili ko nito back in December ata, and until now meron pa siyang 7gb na natira. Ginagamit ko lang naman pag nasa labas ng bahay eh, or if hindi ako nasa office.

Compare mo yan using my usage:
Gomo - 4 months - Php199 lang.
Dito - 4 months - Php796 maspend ko if 4 months.

At pala, no one asked pero eto yung usage ko sa Gomo:
  • Messenger (Messages, Calls, Video Calls)
  • Spotify (Yung mga podcasts na nakalimutan ko idownload)
  • Light Web Browsing (Google, Wikipedia, etc.)
  • Light Gaming (Asphalt 9, ML, CODM, Minecraft Realms)
 
Last edited:
Yan ang tao eh. Gusto ng mas mabilis na internet at the same time mas mura paano yun?

Naalala ko tuloy yung ikinuwento sakin may manang na bumibili ng isda, nagpadagdag na nga tapos tumatawad pa. Nahiya pang sabihin na libre nalang parang ganito yung nangyayari eh.
 
Basta ako ito yong criteria ko kay DITO.

1. AFFORDABILITY (mahal ang unlimited internet sa wireless connection kumpara sa wired connection)

2. CONSISTENT ang internet connection

3. 1TB data allocation a month. (Peru impossible to 😂😂😂)
 
para sakin lang ah, opinyon ko lang. Pareho naman silang sulit kaso lang sa signal dyan sila nagkatalo. May GOMO din ako pero useless kase sobrang hina parin ni hindi nga makaplay ng YøùTùbé daretso kahit nasa highway pa ako.
 

Similar threads

Back
Top