What's new

Help DITO call to other network problem

Delta_01

Enthusiast
Awit sa DITO na to. Pahirapan sa pagtawag sa Smart at Globe users kahit naka VoLTE din ang Smart/TNT/Globe Postpaid na tinatawagan ko kailangan ulit ulitin ang pag dial para makalusot ang tawag. Kapag DITO naman ang tatawagan isang dial lang ring agad. Nasa list din ng DITO ang mga phone namin. Kakareklamo ko sinabi ng DITO na magtatayo sila ng additional tower sa area para masolve yung issue. Nagtayo nga sila bagong tower sa rooftop ng kapitbahay namin pero ganon parin naman hirap makatawag sa ibang network lumakas lang ang signal at bumilis ang data dating 2 mbps ngayon 70mbps na. Kahit sa ibang area kami ganito rin QC, Pasay, Manila, Pasig, San Juan. Hindi lang ako nakaencounter neto lahat kami sa bahay naka DITO hirap makatawag sa ibang network. Yung CS sa 185 at DITO Store sa SM wala rin maitulong puro check lang ng account at troubleshoot ng phone tas properly configured naman daw ang VOLTE ng mga phone namin. Baka may trick kayo dyan kung paano makatawag agad sa ibang network DITO lang kasi malakas sa loob ng bahay kaya eto gamit namin. 🥺
 

Similar threads

Back
Top