What's new

Di nagawa ng modyul yung kapatid ko PLEASE HELP

BantayBahay

Eternal Poster
Joined
Sep 7, 2020
Posts
785
Reaction
622
Points
470
hello yung kapatid ko po is 14 years old at nasa "rebellious age" siya. Currently grade 10 siya at gusto niya tumigil ng pag-aaral kasi "tinatamad" siya gumawa ng modyul. Ayaw niya bigyan ng oras yung pag-aaral niya at lagi lang siya nag cecellphone at nakahiga. Puro YøùTùbé lang at online games at ayaw niya na gumawa nga. Gusto ko sana sabihin sa kaniya na gumawa sila ng mga classmate/friends niya ng modyul pero parang ayaw niya. Puro dscord siya ngayon kaya pag nag tatalo kaming dalawa dahil sa kaniyang ginagawa, ginagamitan ako ng mga english words like : bro, lol tas iba pang nakakainis na words. Gusto niya na mag drop at sa next year na lang daw mag aaral. Kinakatakot ko naman kung mag dadrop siya ay baka di na rin niya matuloy yun dahil siya ay naging homebody ( dahil sa quarantine ayaw niya ng lumabas ng bahay ) Kapag sinasabihan naman ay lumalabas lang sa isang tenga kaya wa epeks din. Si mama naman ay ini spoiled niya nung bata pa siya kaya ang rude niya (GRABE) help naman kung pano siya mag gawa ng modyul
 
Accelerated student ba yung kapatid mo lods, kasi sabe mo 14 years old tas grade 10 na. In that case lods, try mo muna kausapin parents mo lods about sa situation ng kapatid mo.
 
14 tapos Grade 10? Dapat Grade 8 yan naging ganyan din ako "Rebellious Age" laftreep akala ko Grade 8 Syndrome tawag doon.

Ngayon yung kapit bahay namin na nakikikonek pinatanggal na ng nanay nila kasi ganyan din ganap. Mga tinatamad mag module.

Sa totoo lang madali nalang nga yung inaaral nila eh, kasi yung mga sagot saka kung paano gawin nasa module na. Ang gagawin nalang nila magbasa.

Ewan ko pero kung gaganyanin ako ng kapatid ko baka kung anong magawa ko sakaniya. Para sakaniya rin naman yan.

Pag usapan niyo nalang magpamilya yan kasi sayang rin kung mag drop ngayon, baka next year ganto parin sitwasyon (wag naman sana).
 
Kung hindi effective yung pakikipagusap ng masinsinan, baka dapat kailangan ng disiplina, tangalan ng phone like that.
 
14 tapos Grade 10? Dapat Grade 8 yan naging ganyan din ako "Rebellious Age" laftreep akala ko Grade 8 Syndrome tawag doon.

Ngayon yung kapit bahay namin na nakikikonek pinatanggal na ng nanay nila kasi ganyan din ganap. Mga tinatamad mag module.

Sa totoo lang madali nalang nga yung inaaral nila eh, kasi yung mga sagot saka kung paano gawin nasa module na. Ang gagawin nalang nila magbasa.

Ewan ko pero kung gaganyanin ako ng kapatid ko baka kung anong magawa ko sakaniya. Para sakaniya rin naman yan.

Pag usapan niyo nalang magpamilya yan kasi sayang rin kung mag drop ngayon, baka next year ganto parin sitwasyon (wag naman sana).
15 pala pero salamat
 
Kausapin nyo muna bakit sya tinatamad mag-aral, baka naman walang tumutulong? o maraming pwedeng reason. Huwag bigyan ng allowance para di makapagload hahaha, o di kaya may limit sa wifi. kung wifi naman. Dapat Give and Take, wag puro Give Give Give, pwede maspoiled yan.
 
Ganyan din ako lods mabigat pa naman kamao ko gusto ko manapak pag naiinis na ako ng sobra lalo na kung sasagutin ako kahit nasa katwiran naman ako gaya niyang sitwasyon ni ts.
 
[XX='PhJoemar, c: 746469, m: 240752'][/XX] uu nga paps , hindi talaga pwede sakin mga ganyan klase ng bungad yong sasagot sagot ng pabalang o di kaya eh pabiro na sagot yong hindi siniseryoso mga payo mo , naku madali nakulo dugo ko sa ganyan
 
Kausapin nyo muna bakit sya tinatamad mag-aral, baka naman walang tumutulong? o maraming pwedeng reason. Huwag bigyan ng allowance para di makapagload hahaha, o di kaya may limit sa wifi. kung wifi naman. Dapat Give and Take, wag puro Give Give Give, pwede maspoiled yan.
marami kasing binibigay na modyul ta s syempre tutulong ako sa pag gawa kasl nga lang pag nagawa siya may hawak lagi na cp pag pagsasabihan ko naman dami reason tas kakampihan siya ni mama :)
 
Kausapin mo ang mama mo ng kayo lang, para sa mga pro and cons, Dapat yung study nya may oras 4-5hours full daily or depende din sa kung available ka syempre para magtutor, kc pag tinamad yan makakasanayan nya yan pagbalik nya sa ekswela.
 
Back
Top