What's new

Closed Depression victims (ano ang storya mo?) kung napagdaanan nyo yan pasok. pag usapan natin yan!?

Status
Not open for further replies.
i grew up in subic,pero lumipat ng la union when i was in grade 6.life back then was awesome,great friends and fun stuff.but growing-up here is a lil hard for me,i mean,i was a member of a broken family up until now.goin up high school up to college(2 yrs) cause iv got tired.
now im 33 yrs old loner,no job,no girlfriend for almost 12 yrs.a free lance computer technician.im short 4 feet 10 inches,not good looking,funny on the outside,but loner in the inside.
maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko na ma explain,i just hit the bottle of beer and smokes to calm myself to sleep.and isang bagong umaga nanaman ng pakikibaka ang haharapin.life sucks but a lesson is never to give up.ang iniisip ko nalang,may ibang tao pa sa mundo ang mas mabigat ang problema kesa sakin.
and for pedro's sake,ang hirap magtype sa android cp lol.adios amigos.
Ok lang yan boss. Atleast nakakakain pa tayo ako nga.. Magsisikip ****** ko makakita ng mga bata palaboy laboy pinabayaan ng magulang. At saka yung mga taong. Nawawalan na ng pag asa nagbabasura naang. So ayun still masasabi ko sa sarili ko na swerte pa rin kahit anhirap ng buhay.. Sa palagay mo ikaw lang tao sa mundo. Lahat ng nakapaligid mo iba sila sayo
 
Hehe gulat nga ako eh na sa gags and jokes eh seryoso na mga tao dito haha
payo ko sayo brad,may mga dapat na bagay na dapat seryosohin at dapat igalang,lalo na kung wala ka sa katayuan ng mga taong iyon.
may mga thread na ganito na sa halip gumawa ka ng katatawanan eh,magpayo ka nalang,dahil hindi mo malamang naranasan ang dinanas ng mga taong iyon.salamat
 
Ma share kolang din po yong story ko. my biggest fear in life cguro diko matanggap na mawala yong mahal ko sa buhay like my mom. diko alam mabubuhay pa kaya ako if dumating yong araw na yan.

Palaging naglalaro palagi sa Isipan ko like its killing me pag pumasok na sa isip ko. may insecurity den po ako sa buhay Sabi nga Tanggapin nalang daw kc yan yong binigay ng dyos. pero diko talaga maiwasan minsan.

nagkasakit pa ako after ko graduate ng college Thyroid toxic.
Feeling ko pumangit ako. di ako naka pagtrabaho dahil sa sakit ko.
nagka brain fogs ako parang gumulo yong isipan ko. feeling ko nga nabaliw na ako
may problima pa ako about my identity de alam ng parents ko. Sabi ng iba sayang daw yong lahi kc may itchura daw ako. hindi talaga ako maka pag pasya hanggang ngayon ano ba talaga tatahakin ko.

Marami pa sana 2. kaso hanggang d2 nalang muna:):):)
 
Last edited by a moderator:
Gusto ko lang ishare dahil... bakit hindi?


May mga kaibigan akong naglalabas sa akin ng sama ng loob/hinanakit nila sa mundo. Noon, sinasabi ko lang na 'magpakatatag ka', 'kaya mo iyan', at marami pang ibang pang motivate na quotes na makukuha natin sa internet. Pero parang pati ako, nakukulangan sa mga sinasabi ko.


Kasi... ang daling sabihin ng mga salitang yun na parang hindi naman sapat ang bawat kataga upang maibsan ang mga nadarama nila. At natuklasan ko kung ano ang hinahanap ko nang ako mismo ay maligaw sa lugar na kinasadlakan nila.


Paano mo iisiping magiging ok din ang lahat kung base sa nararamdaman mo ay hindi na? Paano mo iisiping kaya mong mabuhay nang wala sya kung sobrang lakas ng psychological attraction ninyo? Physically, you can but mentally, technically kaya mo pero habang naghihinagpis ka, mahirap sabihin. Living without a purpose? Tapos kapag gabi na at hindi tayo makatulog, pumapasok sa isipan natin ang mga tanong na lalong nagpapalala ng ating mga pighati.


Siguro yun ang dahilan kung bakit may iba sa kanila na sinasabi pang 'hindi mo naman kasi alam ang pinagdaraanan ko!'. Maaaring yun din ang dahilan kung bakit "Kung sino pa ang single, sya pa ang magaling mag-advice", chuhcu. Kasi hindi nila alam kung gaano kasakit ang pinagdaraanan natin. Hindi ko alam kung gaano kasakit bago pa ako mismo ang masaktan.


“Mas kailangan natin ng pag-asa sa mga oras na hindi natin iyon nakikita.


About me, tingin ko may Borderline Personality Disorder ako. Pili ako sa kaibigan pero kapag nakapili ako, ibang usapan na. Speaking of BPD, takot akong maiwan, in a sense na lalayuan. Lalo't higit ng mga taong pinahalagahan ko. I have this friend in college na sobrang minahal ko, platonic tho. Then come to the point na nakahanap sa ng ibang mga kaibigan. We actually ran out of topics to talk about. Hanggang history ata ng mga magulang namin ay napagkwentuhan na namin. Mabilis syang nakapag adapt dahil magaling syang makisama habang ako, naiwan. We still talk though. Pero mas naging close sila ng mga bago nyang mga kasama kaysa sa akin. Contradicting kasi kami, in nature: sya movies, ako libro; sya math, ako literature; sya pop music, ako eclectic na hindi mahaluan ng latest songs. Yun marahil ang dahilan kung bakit madali syang lumayo sa akin. There came to a point nga na pinaalis ako sa tabi nya para makaupo yung babaeng madalas nyang nakakausap. Actually, wala pa yata ito sa kalingkingan ng actual na depression. Basta alam ko, kasama ito sa teenage depression.


It's easy to hate something or someone. Hating yourself for being who you are is a very different story.


I even asked myself, 'What's wrong with me?'. Syempre kung ikukumpara sa typical person sa society ang sarili ko, virtually everything is wrong with me. Kaya ayun, mas lumala.


‘Let the rain fall. Damhin ang lupit ng katotohanan.


Alam nyo yung feeling na parang nanlamig yung buong katawan mo tapos parang nagfocus yung lamig na yun sa part ng ****** nyo? Parang ang sama sa pakiramdam, mentally? The feeling of losing someone or something you wanted? At yung mas masakit pa, wala kang magawa.


Sabi nga ng matatanda, ‘Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan’. Pagdating naman sa psychological side natin, ganun din. Naaapektuhan ng nararamdaman mo ang mga nagagawa/ginagawa mo. Kung sa sakit ng tuhod ay hindi ka makapaglakad nang ayos, sa sakit ng damdamin, kaya mo pa – yun nga lang, gusto mo pa ba?


So to sum things up, hindi ganun kadaling sabihin sa isang tao na magiging okay lang ang lahat o there’s a rainbow always after the rain, considering their present emotions.


Ngunit, subalit, datapwat, kailangan nila/natin/namin ng taong makakasama sa mga oras na yun.


Base sa aking karanasan, kung dadamayan mo ang isang tao sa ganyang uri ng sitwasyon, ang presensya mo ay sapat na para makatulong sa kanya. Maaari mo rin namang sabihin sa kanya na magiging okay din ang lahat, kahit sa sarili nya’y hindi nya makita iyon. Mas kailangan natin ng pag-asa sa mga oras na hindi natin iyon nakikita.


Huwag naman sanang yung tipong sasabihan mo syang ‘weak’ o kung anu-ano pa na, in a way na pinararamdam mo na loser sya. Sabihan mo syang ‘weak’, sa pabirong paraan. To cheer him/her up, huwag yung nalulunod na nga, bubuhusan mo pa ng tubig.


Be willing. Show empathy. Listen. Kahit wala kang masabi, makinig ka. Hayaan mo syang magbuhos ng hinanakit. Show how much you care. Minsan, kailangan lang natin ng mapagsasabihan ng mga hinanakit natin sa buhay, walang advice, walang kung ako sa’yo. Pero depende pa rin yun sa sitwasyon nila. Depende pa rin sa’yo kung paano mo mapagagaan ang pakiramdam nya.


Pero kung gusto nyang mapag-isa, ibigay mo ang hinihingi nya. We all need time to contemplate ourselves. But be there when he/she needs it.


‘Your Empathy must be true and not superficial



Para naman sa ating mga nakararanas nito, hindi naman masamang magcontemplate tungkol sa sarili natin. It’s okay to cry. Totoo yung thought na ‘if you want a rainbow, you have to deal with the rain’. What makes it worse is that we sometimes forget about the bright side of life.


‘Sometimes, the problem is not the problem, it could be how we react to the problem


This is when the war inside us begins. The battle between what we feel and what we know. Puso vs. Isip. Paano makikita ang liwanag kung gabi at walang kuryente? Walang flashlight, cellphone, powerbank, bumbilya, buwan o bituin.


Sa pagovercome naman ng depression, mayroong mga nakalagay sa internet at ang mga sumusunod ay ang mga ginawa ko na base sa ilan sa mga yun.


Sa akin lang, let the rain fall. Let it snow. Kasi yun yung totoo. Parte yun ng buhay na hindi sa atin ang kontrol. At tayo? Ang buhay natin ang parte ng buhay na nasa atin ang kontrol. Yung choice. Nasa atin ang desisyon kung mananatili ba tayo sa ala-ala ng nakaraan o susubok ulit sa buhay.


Let the rain fall. Damhin ang lupit ng katotohanan. Likas na mapait ang buhay. Mas madali nga lang nating nakikita ang negatives nito dahil may negative bias ang ating utak, psychologically speaking. Mas madali kasing tanggapin ang katotohanan kaysa naman magbulag-bulagan dahil may pagkakataong kahit anong tago mo, makikita’t makikita mo ulit yun. The more na itinatago, the more na nakikita.


Help yourself. Kahit mahirap isipin na magiging okay din ang lahat, isipin pa rin na magiging okay ang lahat. Have faith in yourself. Kahit mahirap nang muling mabuhay, kahit paano’y subukan. Alam nyo yung feeling na antok ka pa’t ayaw bumangon tapos unti-unti’y nagigising ka na kapag naglalakad ka na palabas ng bahay o kapag nakaligo ka na? At least, try.


‘Just because it burns doesn’t mean you’ll gonna die. – pink – ‘try’


Displace. In the way na hindi mo tatakbuhan ang katotohanan. “Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo”, ganun. Mabuhay pa rin kahit hindi na tulad ng dati.


‘It takes time


Sabi, music can affect the mood. Pero ang hirap namang makinig ng happy songs kapag sad ka. Ang másáráp, yung kantang nagpapahayag ng galit o lungkot, ganun. Pero meron din namang mga kanta na fit sa mga may pinagdaraanan. And that’s for our musical preference. I commend the song, “Beautiful Now”, by Zedd and “I’ll Stand by You”, by The Pretenders, tho. Yung beautiful now ay magandang panoorin ang music video, in my opinion.


See the bright side. Kung desidido ka, makukuha mo. Appreciate. Kung hindi man sayo nangyari yung magandang nakita mo, at least nangyari sa iba. Wag namang isipin ang tanong na ‘bakit sa akin, hindi nangyari ito?’.


Ask for support. Siguro naman, may isang taong nag-aalala sa iyo. Hindi mo lang alam kung sino. At kung hindi man ibang tao, maaaring ikaw mismo.


May facebook page na Sorrowful Quotes at hindi ako admin o staff doon, nilike ko lang yung page. Just to remind myself that... I’m not alone. And maybe, that’s one of the many things that we need


So that karanasan changed my perception. And the next time someone cries on my shoulders, I’ll let them. I’ll listen. Try to be on their shoes. Support them. Help them to be better.


At yung sa story ko naman, college graduate na kami. I’ve let go... and I’ve grown. :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top