What's new

Help Depression or Lungkot

smxrnqll

Honorary Poster
ewan ko ba di ko masabi masayahin akong tao sobra pero may nangyari na di ko inaasahan saming dalawa na biglang nag wakas mag tatatlong buwan na ni minsan di man lang ako sumaya minsan habang gumagamit ako phone bigla ako matatamihik tas hihiga nalang as in hanggang ngayon sobrang sakit parin natawa ako syempre nandito ako sa mama ko syempre alam nya na ako pinaka masayahin at pala tawa ayoko naman na ipakita sakanya kung ano nararamdaman ko pero yun nga sobrang lungkot ko puro pa overthink tsaka negative thoughts as in dina down ko na sarili ko inaangat ko pero nilalaban ng isip ko sa tas kada maaalala ko nakaraan para bang kahapon lang nangyari as in sobrang sakit nya di mawala sa isip ko ginawan ko ng paraan nawala siya kahit papano pero ganon parin di parin ako nagiging masaya. sobrang sakit na sakin mga papi. yung mali ko din nagawa pala binigay ko lahat sakanya lahat-lahat nakalimutan ko na sarili ko pero binalewala ko yon kase alam ko nandyan siya pero isang araw nung sinabi nya ng ayaw nya ewan wala ako masabi talaga lalo na nung sinabi nya kung ano dahilan sinabi nya na sarili nya muna daw e pano naman ako? di niya ba pinansin yung ako? alam nya na halos lahat ginagawa ko para sakanya na di ako takot sa commitment na yan pero yun nga wala talaga tapos isa pa matagal na daw siyang pagod pero ngayon nya lang sinabi after 3 days pa ng birthday ko yan grabe talaga. sorry kung muka akong ma drama pero nag sasabi lang ako ng nararamdaman ko at ng totoo tsaka wala ako malapitan na kahit sino na kilala ko kase yung nga nangako sakin na dyan sila palagi ngayon na kailangan ko WALA. yun lang at salamat sa pag basa.
 
Naku mahirap ang depression, nangyare na din saken to ngaun ok na ako minsan may araw parin na malungkot pero ngaun stable na , grabe ilang taon bago ako naka alis depression puro problema hindi lang sa lovelife, ang sau sa tingin ko lungkot lang yan or baka mild depression dahil sa broken hearted kalang bukod dun siguro wala kana ibang problema, i think madali lang yan basta merong tao sayo na tutulong or libangin mo ang sarili mo like sa online games, basta wag mong isipin lagi yung nakaraan, tsaka nga pala wag ka din mag papatugtog ng mga nakakalungkot na music na related sa problem mo naku sinasabi ko sayo lalo kalang malulungkot or lalo mo lang pina palala yan kaya wag ka mag patugtog, tapos if ever man na may mag comfort sayo pakinggan mo wag mong itaboy, madami pang tao sa mundo hindi lang sya, kelangan din wag ka magpuyat dahil tahimik sa gabi at unti lang mga ginagawa mo ng ganung oras dun mo maiisip or dun ka malulungkot kaya matulog ka maaga, tsaka pag naiisip mo sya o nalulungkot ka guluhin mo iniisip mo or gumawa ka o ibaling mo sa ibang bagay manuod ka yt ganun basta ayan lang madami pa sana ako sasabihin pero mahaba na to basta wag na wag ka mag papatugtog ng malulungkot at ibaling o i busy mo lagi sarili mo
 
I've never felt this kind of loneliness, normally I felt sad or tired pero never this kind of kalungkutan or anything na hindi ako magiging masaya sa 3 months, I mean ang tagal na panahon nun diba. I've never been in your shoes to give advice, pero katulad ng sinabi nila maging busy ka maghanap ka ng outlet para mailabas mo yang lungkot na nararamdaman mo. I think na sa isip lang yan, iwasan mo lahat ng makapagbalik ng memory nyong dalawa if yun yung nag cacause ng kalungkutan mo, makakamove on ka din dyan and darating yung time na sasabihin mo sa sarili mo "yun lang yun, nalungkot na ko" KUNG hahayaan mo yung sarili mo na mag move on, kasi ikaw din yan e, ikaw ang may hawak ng isip mo or puso mo, ikaw ang makakapagsabi na okay start to move on, wala akong mapapala dito. Hanggat di mo yun tinatangap sa sarili mo, stuck ka dyan.

Imagine this, sya nga nagmomove on na or naka move on na bakit ikaw hindi mo kaya? Stop thinking about the past, stop thinking about sa mga inivest mo sa kanya, okay na yun e, nabigay mo na, hindi na pwedeng ibalik. So ano na lang ang option mo? Yung ang tanong ko sayo.
 
Only time can heal a broken heart .
Wag ka mag give up! chin up! naiintindihan ko na kailangan mong ihide yung sadness mo by smiling kasi yun yung tingin ng mga tao sayo na isa kang masayahing tayo pero marami pa ang bagay na mas makakapagpasaya sayo ng tunay sa mundong ito. Go explore kaya have some confidence in your self, pwede ka mag open up sa ibang tao katulad na lang sa mama mo na mas lalong makakatulong upang malampasan mo ang problema na dinadaan mo sa ngayon 😊
 
naiiyak nalang ako ng patago minsan pag di ko na kinakaya tsaka syempre may iba din pong problema pero yun nga masyadong malakas yung tama sakin non kaya yun yung malala. depression isa sa pinaka panget na mararamdaman mo lalo na pag suicide na pumasok sa isip mo tutal din naman may mga problema din sa buhay di lang yan pero pinipilit ko na wag maisip dahil may maiiwan ako na mahal ko sa buhay. sa totoo lang ready naman ako or kaya ko gawin anytine nasa isip ko nalang pano kapatid at mama ko? yun yung sobrang hirap
 
yun nga po e naka move on na siya samantalang ako halos wala ng pag asa sa sarili or sa lahat dahil sa nangyari pero sasabayan pa ng overthink at negative thoughts napakahirap alam ko din naman na ako may hawak ng isip ko or sarili ko pero bakit ganon? nilalabanan ko pero pumapalag din
 
di ako pwede mag salita ng kung ano kay mama lalo na ngayon medyo madami din siya problema ayoko na muna dumagdag. kung meron naman ako pwede makausap na iba siguro dun nalang sakanila
 
Na asawa ko pala ts 3 yrs depression niya. Ginawa niya lang maging bz, sumali siya sa grupo ng mga artist sa cebu malaki tulong nun sa kanya. Kaya nong nag ka kilala kami at ang dahilan ng naging depression niya yong hinayupak na mga lalaki naging ex niya. Malaking tulong mag dasal o mag simba hehe. Ganyan rin siya sayo walang pwede sabihan kasi pribado masyado mali lang rin siguro mga animal nakilala mo at nabigay mo lahat. Panahon lang talaga kailangan mo matagal makalimot pero wag ka papa epekto isipin mo nalang mga importanteng tao sa buhay mo ngayon lalo na mama mo at bigyan mo muna ng panahon sarili mo. Smile ka lang palagi
 
[XX='smxrnqll, c: 454928, m: 1738720'][/XX] Religious ka bang tao TS? If not I think you need to be. Mag pray ka, humingi ka ng guidance, kung wala kang makausap sa inyo magdasal ka then sabihin mo lahat ng nararamdaman mo para gumaan yang pakiramdam mo. You're thinking of suicide also? I mean yung value mo ba as tao yun lang? Na naghiwalay lang kayo handa mong kitilin yung sarili mong buhay? Don't. Hindi sya worth it ng buhay mo.

Atsaka, if you're going to defend yourself na hindi mo kaya I think we can't help you in any way. You're asking for help/ advice from us but if you will continuously defend your action, then one thing is for sure you're NOT yet ready to move on.

Same mantra, you're the only one who handles your life, your mind and your heart. If you decided to move on or if you decide to stay where you are right now, choice mo yan. Pero don't kill yourself.
 
Yan tama isipin mo kapag ginawa mo mag suicide paano yung mga iniwan mo ano mangyayare, ang maganda tlaga is kelangan mo ng makakausap ikwento mo mga hinanakit mo para gumaan damdamin mo tsaka ma re realize mo din na maliit na bagay lang yan, imagine mo yung ibang tao nga nahihirapan kumita ng pera eh yung iba nga wala ng makain eh tas sayo ganyan lang, tsaka spare ka den ng time kausapin mo ang lord mag pray ka kahit sabihin naten hindi natin alam kung totoo ba sya o hindi just pray kalang, ganyen den ako nung umpisa nagtatanong baket nangyare saken yung ganto o baket ganto buhay ko, malalagpasin mo rin yan, although ket may nag aadvice sayo baka hindi mo isaisip yung iba, katulad ko din dati natatawa nalang ako na naiiyak sa mga advice ng ibang tao sa isip ko akala nila madali tong nararanasan ko sasabihin na mag pray ako ganun or etc. etc. parang nung una inignore ko lang yung mga advice pero andami talaga saken nag advice at tumulong until ayun naisip ko din o pumasok din sa kokote ko mga advice nila darating din sayo yung isang tao na makakatulong sayo na malagpasan mo yan katulad ko, dati rin tinataboy ko mga nag aadvice saken or mga nagmamalasakit saken sa isip ko nun na ayaw mo sila madamay sa problema mo ganun, basta may tao talaga na makakatulong sayo yung maibubuhos mo o makwekwento mo sakanya lahat ng problema, ayun lang, i pray na den kita, mawawala din yan, marami pang mga bagay sa mundo hindi suicide ang solution
 
Naranasan ko yan yrs ago. Masiyahing tao rin ako before pero mula noon naging tahimik na ako haha pero pag may kasama ako minsan sinasakyan ko sila pero di na tulad ng dati. Maingay rin ako sa bahay pag umuuwi like energetic. Pero ngayon cellphone nalang then laptop.

Laki rin ng maturity na ibibigay sayo once nadaanan mo maging broken hearted. Hayaan mo ts magiging okay ka rin. Saka maging open ka sa parents mo saka kung tanungin ka ng parents niya. Paliwanag mo nalang din. Closure nalang talaga.
 

Similar threads

Back
Top