naalala nyo to?, mga panahong tayo 'y (ay) nasa paaralan
(pag)Yaong humingi ng papel ang isa, (yung iba, tiyak, hihingi rin mga yan), wala, lahat naka pila na,
at ang pasahan ng sagot at kung pano kumopya ay kanya-kanyang paraan
Pag may eksimenasyon laging nakatingin sa kisame para mag isip ng paraan,
kung paano sasagutan ang tanong sa harapan,
at pag may proyekto laging nagkikita pero walang nagagawa hanggang sa pasahan
nagbabasagan, asarang walang patid hanggang, kapag si crush ang napadaan
sa ibang klase dadayo pa yan, laging nag-aabang makasilay lamang, sa magandang babaeng nilalang
laging nagaabang
Lagi tayong may oras na nakalaan, pag kalokohan ang pinag-uusapan,
pero sa takdang aralin natin bakit, laging wala nang oras na malaan?
Sa puntong magcocopyahan, babaguhin ang iilan para may maipasa lamang,
kokopya na lang sa iba, babaguhin ng konti para 'di halatang gaya lang
at pag ka naman, wala pa si ma'am, pagkukumpulan naman kalakaran
magkukwentuhan kung saan ang galaan. mula seryoso hanggang magkatawanan
masusungit na guro ay babansagan ng kung anong tayo lang nakakaalam
sarap balikan ng mga nagdaan, panahong tanging problema'y pagpasa lang
kung pwede lang pumasok ulit para maibalik mga dating nararamdaman
saya na tila wala nang hanggan, kung saan nabuo ating barkadahan
buti may okasyon na katulad nito, bigat ng pananabik ay napapagaan
tara sabi ko, kayo ay maupo, sabay nating sariwain ang nakaraan