- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,556
- Reaction
- 7,217
- Points
- 2,570
NOONG 1969 isang salita na naglalarawan ng di-makatuwirang takot o pag-ayaw sa mga homoseksuwal ang inimbento sa wikang Ingles. Ang salita ay “homophobia.” Maraming wika ang wala namang ganitong espesipikong salita, gayunman sa loob ng libu-libong taon, ang mga tao sa maraming bansa at wika ay nagpamalas ng di-pagkakagusto sa mga homoseksuwal.
Ngunit kamakailan lamang, ang homoseksuwalidad ay malawakang itinaguyod bilang isang alternatibong anyo lamang ng pagpapahayag sa sekso. Ang istoryador na si Jerry Z. Muller ay sumulat kamakailan hinggil sa “dumaraming kahilingan na kilalanin at igalang ng madla ang homoseksuwalidad mismo.” Ipinaliwanag niya na ang mga homoseksuwal ay “higit at higit na nagkakaisa upang ipahayag na ang kanilang mga ginagawa ay kapuri-puri, at upang hilingin na gayundin sana ang gawin ng iba.” Ito’y nakikita lalo na sa mga Kanluraning bansa. Gayunman, sa halos lahat ng lugar sa daigdig, maging sa tinatawag na liberal na mga lupain, marami pa rin ang humahatol at namumuhi sa homoseksuwalidad.
Ang mga homoseksuwal at yaong mga hinihinalang nagsasagawa ng homoseksuwalidad ay madalas na ibinubukod bilang tampulan ng paghamak, panliligalig, at karahasan. Maging ang mga lider ng relihiyon ay nagpamalas din ng gayong pagkapoot. Pinasimulan ng ilan ang sa wari’y sarili nilang pribadong pakikibaka laban sa mga homoseksuwal. Halimbawa, tingnan natin ang komento ng isang obispo ng Griegong Simbahang Ortodokso na isinahimpapawid kamakailan lamang sa Griegong pambansang radyo. Sinabi niya: “Walang-hanggang susunugin ng Diyos ang mga homoseksuwal sa naglalagablab na kailaliman ng impiyerno. Ang mga sigaw ng kanilang maruruming bibig ay aalingawngaw magpakailanman. Ang kanilang makasalanang katawan ay daranas ng di-makakayanang pahirap.” Totoo nga ba ito? Ano ang damdamin ng Diyos sa mga homoseksuwal?
Ang Pangmalas ng Diyos
Hindi partikular na itinatawag-pansin ng Bibliya ang mga homoseksuwal bilang isang grupo na dapat layuan o kapootan ng mga Kristiyano. Bukod diyan, hindi nito itinuturo na parurusahan ng Diyos ang mga homoseksuwal—o sino pa man sa mga nilalang niya—sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila sa isang maapoy na impiyerno magpakailanman.—Ihambing ang Roma 6:23.
Gayunman, iniharap ng Kasulatan ang moral na pamantayan ng ating Maylalang, na kadalasa’y sinasalungat ng modernong saloobin sa moral. Ang mga gawang homoseksuwal, ang heteroseksuwal na pagtatalik ng mga di-mag-asawa, at ang bestialidad (pagsiping sa hayop) ay pawang hinahatulan sa Bibliya. (Exodo 22:19; Efeso 5:3-5) Winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra dahil sa ganitong seksuwal na mga gawain.—Genesis 13:13; 18:20; 19:4, 5, 24, 25.
Kung tungkol sa mga gawang homoseksuwal, ganito ang mismong sinabi ng Salita ng Diyos: “Ito’y isang bagay na nakamumuhi.” (Levitico 18:22, The New Jerusalem Bible) Ang Batas ng Diyos ay nagbigay ng ganitong kondisyon sa Israel: “Kung ang isang lalaki ay nahigang kasama ng isang lalaki na gaya ng paghigang kasama ng isang babae, kapuwa sila nakagawa ng karima-rimarim na bagay. Sila’y walang-pagsalang papatayin.” (Levitico 20:13) Ito rin ang parusang itinakda para sa mga nagkakasala ng bestialidad, insesto, at pangangalunya.—Levitico 20:10-12, 14-17.
Kinasihan si apostol Pablo upang ilarawan ang mga gawang homoseksuwal bilang kapahayagan ng “kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa” at bilang “salungat sa kalikasan.” Sumulat siya: “Iyan ang dahilan kung bakit ibinigay sila ng Diyos sa kahiya-hiyang seksuwal na mga pagnanasa, sapagkat kapuwa ang kanilang mga babae ay nagpalit ng likas na gamit ng kanilang mga sarili tungo sa isa na salungat sa kalikasan; at gayundin maging ang mga lalaki ay nag-iwan ng likas na gamit ng babae at nagningas nang matindi sa kanilang kalibugan sa isa’t isa, mga lalaki sa mga lalaki, na ginagawa ang malaswa at tinatanggap sa kanilang sarili ang lubos na kabayaran, na siyang nararapat para sa kanilang pagkakamali. At kung paanong hindi nila sinang-ayunang ituring ang Diyos ayon sa tumpak na kaalaman, ibinigay sila ng Diyos sa isang di-sinang-ayunang kalagayan ng isip, upang gawin ang mga bagay na hindi naaangkop.”—Roma 1:26-28.
Ang Kasulatan ay walang inihaharap na pangangatuwiran, pagpapagaan, o pag-aalinlangan; ang mga gawang homoseksuwal, pangangalunya, pakikiapid, ay pawang nakapandidiri sa paningin ng Diyos. Alinsunod dito, hindi binabantuan ng tunay na mga Kristiyano ang paninindigan ng Bibliya sa “kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa” upang maging mas popular lamang o mas karapat-dapat tanggapin sa modernong kultura. Ni sila’y sumasang-ayon sa anumang kilusan sa layuning itaguyod ang homoseksuwalidad bilang isang normal na istilo ng buhay.
“Kapootan Ninyo ang Masama”
Ang Bibliya ay nagpapayo: “O kayong umiibig kay Jehova, kapootan ninyo ang masama.” (Awit 97:10) Kaya naman, inaasahang kapopootan ng mga Kristiyano ang bawat gawaing lumalabag sa mga batas ni Jehova. Maaari pa nga na ang ilan ay magpamalas ng mas matinding damdamin ng di-pagkakagusto o pagkasuklam sa homoseksuwalidad kaysa sa ibang uri ng imoralidad, na minamalas ang homoseksuwalidad bilang isang di-likas na kalisyaan sa sekso. Gayunman, dapat bang kapootan ng mga Kristiyano ang mga indibiduwal na gumagawa ng gayong mga bagay?
Nagbibigay-liwanag ang salmista hinggil sa isyung ito sa Awit 139:21, 22: “Hindi ko ba kinapopootan yaong matinding napopoot sa iyo, O Jehova, at hindi ba ako nakadarama ng pagkasuklam para sa mga naghihimagsik laban sa iyo? Kinapopootan ko sila taglay ang lubusang pagkapoot. Sila ay naging tunay na mga kaaway sa akin.” Ang ating katapatan kay Jehova at sa kaniyang mga simulain ay dapat magluwal sa atin ng matinding pag-ayaw sa mga kusang naghihimagsik laban kay Jehova at sa mga naninindigan bilang mga kaaway ng Diyos. Si Satanas at ang mga demonyo ay kabilang sa gayong mga napatunayang kaaway ng Diyos. Ang ilang tao ay malamang na mapabilang din sa kategoryang ito. Gayunman, napakahirap makilala ng isang Kristiyano ang gayong mga tao mula sa kanilang panlabas na anyo. Hindi tayo makabasa ng puso. (Jeremias 17:9, 10) Hindi tama na ipalagay natin na ang isang kaaway na ito ng Diyos ay hindi na magbabago dahil sa mali ang kaniyang ginagawa. Madalas na hindi lamang kasi alam ng mga gumagawa ng kasalanan ang mga pamantayan ng Diyos.
Kaya naman, sa pangkalahatan, ang mga Kristiyano ay hindi karaka-rakang napopoot sa kapuwa tao. Kahit na suklam na suklam sila sa ilang uri ng istilo ng pamumuhay, hindi nila hangad na manakit sa iba, ni magkimkim man sila ng pagkayamot o masamang hangarin sa kanila. Sa halip, pinapayuhan ng Bibliya ang mga Kristiyano na “makipagpayapaan sa lahat ng tao.”—Roma 12:9, 17-19.
“Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi”
Patatawarin ni Jehova ang taong tunay na nagsisisi, anumang imoralidad ang ginagawa ng taong iyon. Walang ebidensiya na minamalas ni Jehova ang isang anyo ng imoralidad na mas masahol kaysa sa iba. “Ang Diyos ay hindi nagtatangi.” (Gawa 10:34, 35) Halimbawa, isaalang-alang ang naging kaso ng unang-siglong kongregasyon sa Corinto. Sumulat sa kanila si apostol Pablo: “Hindi ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa idolo, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin, ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki, ni ang mga magnanakaw, ni ang mga taong sakim, ni ang mga lasenggo, ni ang mga manlalait, ni ang mga mangingikil ang magmamana ng kaharian ng Diyos.” Pagkatapos ay kinilala ni Pablo na ang ilang dating mapakiapid, mangangalunya, homoseksuwal, at magnanakaw ay tinanggap sa Kristiyanong kongregasyon sa Corinto. Ipinaliwanag niya: “At gayunma’y ganiyan ang ilan sa inyo dati. Ngunit nahugasan na kayong malinis, ngunit pinabanal na kayo, ngunit naipahayag na kayong matuwid sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa espiritu ng ating Diyos.”—1 Corinto 6:9-11.
Mangyari pa, hindi kinukunsinti ni Jehova ang patuloy at walang-likat na paglabag sa kaniyang sakdal na mga pamantayan sa moral. Tiyak na kinapopootan niya ang sutil na pagwawalang-bahala sa kaniyang mga simulain. Magkagayunman, pinananatili pa rin niyang nakabukas ang pinto para sa pakikipagkasundo. (Awit 86:5; Isaias 55:7) Kasuwato nito, ang mga homoseksuwal, o sino pa man, ay hindi ginagawang tampulan ng malisya, pagtuya, o panliligalig ng mga Kristiyano. Minamalas ng tunay na mga Kristiyano ang kanilang kapuwa tao bilang potensiyal na mga alagad ni Kristo, anupat pinakikitunguhan ang mga ito sa isang magalang at may dignidad na paraan. Sabi ng Bibliya: “Ito ay mainam at kaayaaya sa paningin ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, na ang kalooban ay na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:3, 4.
Tinatanggap ng mga Kristiyano ang mga Nagsisisi
Paulit-ulit, ipinahahayag ng Bibliya na ang Diyos ay mapagpatawad. Inilalarawan siya nito bilang “isang Diyos na madaling magpatawad, magandang-loob at maawain, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan.” (Nehemias 9:17; Ezekiel 33:11; 2 Pedro 3:9) Itinulad din siya ng Bibliya sa ama sa talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak na lumustay sa kaniyang mana sa napakasamang pamumuhay sa malayong lupain. Dalawang kamay na tinanggap-muli ng naghihintay na ama ang kaniyang anak nang sa wakas ay matauhan ang anak, nagsisi, at bumalik sa kanilang tahanan.—Lucas 15:11-24.
Oo, posibleng magbago ang isang nagkasala. Kinilala ito ng Kasulatan sa pamamagitan ng paghimok sa mga tao na alisin ang lumang personalidad at magbihis ng bago at ‘magbago sa puwersa na nagpapakilos sa isip.’ (Efeso 4:22-24) Yaong gumagawa ng masama, kasali na ang mga homoseksuwal, ay maaaring makagawa ng malaking pagbabago sa takbo ng kanilang pag-iisip at paggawi, at marami ang tunay na nagtagumpay sa pagbabagong ito.* Si Jesus mismo ay nangaral sa mga ito; at palibhasa’y nagsisi, sila’y naging kaayaaya sa kaniya.—Mateo 21:31, 32.
Tinatanggap ng mga Kristiyano ang nagsisising mga tao mula sa naiibang uri ng pamumuhay. Matapos iwan ang imoral na mga gawa, anuman sila noon, lahat ay maaaring magtamasa ng lubos na pakinabang sa pagpapatawad ng Diyos sapagkat “si Jehova ay mabuti sa lahat, at ang kaniyang awa ay nasa lahat niyang gawa.”—Awit 145:9.
Ang mga Kristiyano ay handang magbigay ng kinakailangang suporta sa espirituwal, maging doon sa mga nakikipagpunyagi pa rin sa homoseksuwal na mga inklinasyon. Ito’y kasuwato ng sariling paghahayag ng Diyos ng pag-ibig, sapagkat sinabi sa Bibliya: “Inirerekomenda ng Diyos ang kaniyang sariling pag-ibig sa atin sa bagay na, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.”—Roma 5:8.