What's new

Closed Dapat bang itigil ang paninigarilyo?

Status
Not open for further replies.

-Mr Bangs-

Forum Veteran
Joined
Jul 4, 2017
Posts
1,859
Reaction
2,676
Points
741
DAPAT BANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO?
By Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon)

OO, sapagkat ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo. Sana ay maitigil mo na ito. Heto ang aking mga dahilan:

1.Masama sa iyong puso at utak. Nagdudulot ang sigarilyo ng altapresyon, atake sa puso at istrok. Ang usok ng sigarilyo ay sumisira sa dingding ng ating mga ugat at nagpapakipot nito.

2.Masama sa baga at puwedeng magka-emphysema. Dahil sa usok ng sigarilyo, umiitim at naninigas ang iyong baga. Sa katagalan ay hindi na ito makapagdadala ng hangin o oxygen sa iyong katawan. Hahabulin mo ang iyong hininga at sa katagalan ay baka mangailangan ng oxygen tank para lang mabuhay.

3.Masisira ang iyong *** life. Ang sigarilyo ay puwedeng magpakipot sa ugat ng ari ng lalaki. Kapag napigilan ang pagdaloy ng dugo sa iyong pagkalalaki, lalambot na ito at mahihirapan ka nang makipag-***.

4.Masama sa buong katawan. Ang mga ugat mo sa utak, baga, bato (kidney) at pati ang puso mismo ay madadamay.

5.Kukulubot ang iyong mukha. Ang mga naninigarilyo ay mas nagkaka-wrinkles sa mukha kumpara sa taong hindi naninigarilyo. Ang paligid ng iyong bibig ay madali ding kumulubot.

6.Nakaka-addict ang sigarilyo. Ang sigarilyo ay may taglay na nikotina na nakawiwili sa gumagamit nito. Ang nikotina ay isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating utak. Maihahalintulad nga ang sigarilyo sa mga pinagbabawal na gamot.

7.Puwede magka-kanser sa baga, bibig, bituka at iba pang organo. May taong nagkaka-kanser sa edad 50 lang dahil sa masamang bisyong ito. Kapag umabot na sa kanser ay mahirap nang maagapan ito.

8.Mababawasan ng 6 na taon ang iyong buhay. Ayon sa isang malaking pag-aaral, mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo kumpara sa hindi.

9.Mababawasan ng 1 taon ang buhay ng kasama mo sa bahay. Ang paghinga ng usok ng ibang tao (passive *******) ay nakasasama din sa ating kalugusan. Ayon sa pagsusuri, kapag nanatili ka ng isang oras sa lugar kung saan may naninigarilyo, para ka na ring humithit ng 3 stick ng sigarilyo. Madali ding hikain at sipunin ang mga bata. Kawawa naman sila!

10.Marami pang masamang maidudulot ang paninigarilyo katulad ng pagkabaho ng hininga, paninilaw ang iyong ngipin, pagkakaroon ng ulcer at iba pa. Kaibigan, kung gusto mong humaba ang iyong buhay, itigil na ang paninigarilyo. Payo po ng isang nagmamalasakit!
FB_IMG_1541837528270.jpg
 

Attachments

Usok yan eh bakit mo papasok sa baga mo?
Kahit katawan mo ni rereject yan sa umpisa mo palang pagtikim , kaya nga nauubo ka eh kasi defense mechanism ng katawan ang pagubo meaning nirereject nya yong foriegn something na pumasok sa lungs mo

Kaunting utak lang naman eh pucha
 
Tatay ko naninigarilyo na matagal na pero wala pa.siyang cancer pero highblood meron mahirap.talaga iwasan yan.
 
lolo ko nanenigarelyo for almost 1 year wala namang nangyari sa kanya sabi pa nya vitamins daw sa kanya paninigarelyo haha
 
ako smoker for almost 15 years... pero natigil ko gradually...11 months up to now...mas ok breathing experience ko then hinde ako madali mapagod kapag nag skate....
 
Di ko pa natry pero oo dapat talaga itigil na kung alam naman nating nakakasama sa ating kalusugan...mahirap naman kung kailangan ka lang nagkasakit saka ka lang titigil tapos huli na pala..
ikinamatay mo pa...
 
mahirap tlga tigilan lalo na pag gnawa mo ng habit. addiction na yan. pero kung tutulungan mo sarili mong huminto. makakayang Tigilan :)
 
Tama at totoo...

Pero mas marami ang namatay at namamatay sa alak ...at mamamatay pa rin kung walang disiplina sa sarili.. Sarile! ..haha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top