Naiintindihan ko sila kasi since college hanggang mga early 20s ko ganyan din ako mag-isip. Yung sobrang idealist ka galit na galit ka rin sa kapalpakan ng gobyerno at tingin mo ikaw ang pag-asa ng sangkatauhan para iligtas sila sa kahirapan. Yung hinahanap mo yung lugar mo na makakapag-ambag ka para sa pagmamahal at katarungan at para sa social justice. Pinagkaiba lang noon Friendster pa lang ang uso at konti pa lang nag-FB kaya walang ebidensya ng mga pinagpopost ko. Hahahahaha!
Pero syempre nung papalapit na ako sa 30s ko, dun na rin ako nasampal ng katotohanan na hindi lahat ng pinlano at ginusto ko ay masusunod. Na hindi lahat ng bagay ay may control ka. Na mas komplikado at maraming sides at istorya ang mga issues. Na iba-iba ang karanasan ng mga tao na humuhugis sa worldview nila. Tapos yung mga taong hindi mo kasang-ayon sa worldview mo katrabaho mo, kapamilya mo, boss mo, kapitbahay mo at hindi mo pwede i-block gaya sa social media. Kaya yung childish idealism ko naging pragmatism at nagkaroon ako ng emotional maturity. Basta ang masasabi ko lang eh karamihan sa mga iyan mag-iiba ang pag-iisip habang mas nagkaka-experience sila sa buhay.