What's new

Daily Bread (September 3 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI TAYO MAKIKILOS"
(AWIT 55:22)
"ILagay mo ang iyong pasan sa Panginoon at Kanyang aalalayan ka,hindi Niya titiising makilos kailanman ang matuwid."
"Mapagpalang araw po sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Ito na yata ang panahong pinakamarami ang may pasan at kabagabagan.. Marami ngayon ay nawawalan ng mahal sa buhay, mga nasa banig ng karamdaman, natatakot, nag aalala at nawawalan ng pag asa.. May kalaban tayo na traydor at di natin nakikita, at ang malungkot nito kung minsan ay tayo ang may dala sa ating tahanan ng mapamuksang salot na ito? Kanino nga ba tayo tatakbo? Kanino tayo manganganlong? Ang sabi ni Haring David sa
(2 Samuel 22:2-3) "“Si Yahweh ang aking tagapagligtas,matibay na muog na aking sanggalang.
3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan,
aking kalasag at tanging kaligtasan.
Siya ang aking pananggalang,
sa mga marahas ay siya kong tanggulan.".. Ang takbuhan nating mga anak ng Dios ay si Yahweh!
Napakaganda ng sinasabi ng ating talata.." Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon". Totoong may mga pasanin tayo mga kapatid subalit tayo ay may Panginoon na mapaglalagakan ng ating mga pasan, sabi sa( Mateo 11:28) " “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan." Sabi pa ng ating talata "Ay Kanyang aalalayan ka:, hindi Niya titiising makilos kailanman ang matuwid" KUNG tayo ay lumalakad sa Katwiran ng Dios, hindi tayo kailanman makikilos, dahil kasama natin ang Dios hindi Niya papayagang tayo ay masaling ng kaaway.. Ang pagiging matuwid sa harap ng Dios ay napakalaking bagay upang maranasan ang pagiingat at kalinga ng Dios. Mga magulang ko at kapatid, ilagay natin ang ating pasan sa Panginoon, at Kanyang aalalayan tayo, hindi Siya papayag na makilos tayo ng kaaway.
Muli ang biyaya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top