What's new

Daily Bread (September 26 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(LUCAS 16:19-31) "Basahin sa Biblia"
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
*Ang hantungan ng taong walang Diyos ay impyerno. Ang taong walang kinikilalang Diyos ay patay sa espiritwal; sa oras na matapos ang kanyang pisikal na buhay, tutungo siya sa walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos. Ayon sa kwento ni Hesus tungkol sa isang mayaman at kay Lazaro (Lucas 16:19-31), ang mayaman ay namumuhay ng masaya at masagana ngunit hindi kumikilala sa Diyos, samantalang si Lazaro ay nagdurusa sa buhay ngunit kinilala ang Diyos. Naunawaan lamang nila ang bigat ng mga piniling desisyon sa kanilang buhay pagkatapos nilang mamatay. Napagtanto ito ng lalaking mayaman, ngunit huli na, nalaman niyang marami pang mas mahalaga sa buhay kaysa kayamanan. Samantalang si Lazaro ay maginhawa ang buhay sa paraiso. Para sa dalawang ito, ang maiksing pamumuhay nila sa mundo ay walang-wala kung ihahambing sa permanenteng kalagayan ng kanilang kaluluwa.... DAlawa lamang ang tiyak na kahahantungan ng tao, at ito ay parehong walang hanggan.. Ang isa ay buhay nawang hanggan sa piling ng Dios at ang isa naman ay walang hanggang pagdurusa sa ipierno kasama si Satanas.... Makakamit lang natin ang buhay na walang hanggan kung mananampalataya tayo sa bugtong na Anak ng Dios na si Hesu Kristo.. (Juan 3:16)" Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Ang mga sasampalataya lamang kay Hesus ang magkakamit ng buhay na walang hanggan.. Sapagkat sinasabi sa (Juan 1:12) na " Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."Maliwanag ang sinasabi ng Biblia lahat lamang ng sumampalataya sa Panginoong Hesus ang may karapatang maging mga anak ng Dios.. Hindi dahil sa relihiyon, hindi dahil sa mabuting tao tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa upang huwag tayong magmalaki, kundi dahil sa ginawa ng Dios na pagliligtas ano po ang sabi ng (EFESO 2:8-9) "Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman." Tayo ay mahalaga sa Dios tayo ay nilikha lahat ng Dios, subalit hindi lahat ay Kanyang anak.. Ang mga anak ng Dios ay yaon lamang tumanggap sa Panginoong Hesus bilang kanyang Panginoon at tagapagligtas..
Ang tao ay natatanging nilikha. "Inilagay ng Diyos ang sangkatauhan sa Kanyang puso, na anupat hindi matalos ng tao hiwaga ng gawa na ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas" (Mangangaral 3:11), at ang katuparan ng walang hanggan buhay ay matatagpuan lamang sa Diyos at sa Kanya lamang Anak na si Hesu Kristo..
Ang pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top