What's new

Daily Bread (September 15 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" " ISANG BAGONG NILALANG"
(2CORINTO 5:17)
17. Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Nabasa po natin, ang sinumang na kay Cristo ay isa nang bagong nilalang... Tanungin po natin ang ating sarili, tayo po ba ay bago ng nilalang? Ano anong bagay na at paguugali o mga dating kasalanang ginagawa natin noon na binago na ng Dios? . Ang isang nagaangking Cristiano ay dapat binago na ng Dios.( 1Juan 3:9) -. Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala.".. Hindi naman ibig sabihin ay hindi na magkakasala, ngunit ang mga anak ng Dios ay hindi na nagpapatuloy sa pagkakasala.. Sa halip sinisikap niyang magbago sa tulong ng Banal na Espiritu Santo.. Hindi natin kayang baguhin ang ating sarili, kailangan natin ang tulong at habag ng Dios para tayo ay magbago... Sikapin nating mawala na, mamatay na, ang ating dating pagkatao.. Mamuhay tayo ng bagong buhay na ipinagkaloob sa atin ni Kristo, dahil kinahabagan lang po tayo mga kapatid, biyaya po ng Dios ang ating kaligtasan huwag po nating sayangin at balewalain ito.. Ang sinumang na kay Cristo ay isa ng bagong nilalang... Magpabago po tayo mga kapatid sa ating Panginoong Hesus.
Muli ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top