What's new

Daily Bread (May 28 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG NANANATILI SA KANYA"
JUAN 15:5
5 “Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.
Sabi ng ating talata ang nananatili kay Kristo ay nagbubunga ng sagana, sapagkat walang magagawa ang sinuman kung hiwalay sa Kanya.
Sa mundo ng tao, sinisikap niya na makamit ang kanyang mga layunin at iniisip na dahil sa kanilang mga ginagawa ay masusumpungan nila ang kahulugan ng buhay. Ilan sa mga pinagsisikapang makamit ng tao ay ang tagumpay sa negosyo, pagkakamal ng maraming salapi, pagkakaroon ng mabuting relasyon, pag-aasawa at paggawa ng mabuti sa kapwa at marami pang iba. Subalit maraming tao ang nagsabing sa kabila ng nakamit na nila ang lahat ng kanilang mga pangarap, nagkamal na ng kayamanan at nagkaroon ng mabuting relasyon at nakamit ang pinapangarap na maging asawa ngunit tila mayroon pa ring kulang sapagkat may puwang sa kanilang mga puso na kailanma'y hindi kayang punan ng ano mang bagay sa sanlibutan na Diyos lamang ang tanging makapupuno.
Hungkag ang puso ng taong walang Dios, laging maghahanap, laging may kulang. Si Kristo ang tanging makapagpupuno ng mga kakulangan nararamdaman natin sa ating buhay, Siya ang kasapatan at kalinga gaya nang hinahanap natin... Kapatid nais mo bang maranasan ang buhay na masaya at kumpleto, ang Panginoong Hesus ang kailangan mo. (Colosas 2:10)" 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala." SI Yahweh ang makapagbibigay sa atin ng lahat lahat ng ninanasa natin sa ating buhay sabi ng mga (Awit 16:5)" Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay."
Walang katiyakan ang buhay sa mundo, Tanging si Kristo lamang ang ating katiyakan at pag asa kaya sa Kanya tayo magtiwala ng lubusan at tiyak na hindi tayo mabibigo.
Pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

English Ver.


"THE ONE WHO REMAINS IN HIM"
JOHN 15: 5
5 “I am the vine and you are the branches. He that abideth in me, and I in him, the same bringeth forth much fruit, for without me ye can do nothing.
Our verse says that he who abides in Christ bears much fruit, because no one can do anything apart from Him.
In the human world, he tries to achieve his goals and thinks that because of their actions they will find the meaning of life. Some of the things a person strives to achieve are success in business, amassing a lot of money, having good relationships, getting married and doing good to others and many more. But many people say that despite the fact that they have achieved all their dreams, have amassed wealth and had a good relationship and achieved the dream of being married but it seems that there is still something missing because there is a space in their hearts that never ' y cannot fill anything in the world that only God can fill.
The heart of the godless person is empty, always searching, always lacking. Christ is the only one who can fill the gaps we feel in our lives, He is the sufficiency and care as we seek ... Brother do you want to experience a life that is happy and complete, the Lord Jesus is what you need. (Colossians 2:10) "10 Wherefore ye are made perfect in union with him, who is the head of all power and authority." Yahweh can give us everything we desire in our lives says (Psalm 16: 5) "You alone, Yahweh, everything in my life, everything I need you give me, tomorrow I am in your hands. "
Life on earth is uncertain, Only Christ is our assurance and hope so in Him we trust completely and we will certainly not fail.
God's blessing be upon us all now and forever in the Name of our Lord Jesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top