What's new

Daily Bread (March 25 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HUWAG MAGMATAAS"
(Lucas 18:10-14)
“May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kanyang sarili: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang ****** at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababâ at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli nating bulayin ang Salita ng Dios.
Nababasa at nalalaman ng Dios ang laman ng ating mga puso, maging ang motibo ng ating pananalangin. Ang nais ng Dios ay ang pusong nagsisisi at nagpapakumbaba gaya ng maniningil ng buwis na kinalugdan ng Dios, samantalang ang Pariseo bagamat relihoyoso at tagapagturo ng kautusan ay hindi kinalugdan ng Dios. Bakit po? Dahil siya po ay self-righteous itinataas ang kanyang sarili at ikinukumpara sa iba. Wala sa kanyang puso ang taos pusong pagsisisi at pagpapakumbaba. Hindi tayo sinusukat ng Dios dahil tayo ay relihiyoso at hindi gumagawa ng mga karumihan, ang pagmamataas ay lalong malaking kasalanan, dito bumagsak si satanas sa kanyang pagiging mapagmataas.. Dapat nating alalahanin na walang taong hindi nagkakasala kahit siya pa ay pinuno ng isang relihiyon o naging isang santo na idinideklara ng tao. Tanging si Hesu Kristo ang Dios na nagkatawang tao ang hindi nagkasala. Kaya dapat tayong magpakumbaba dahil tayong lahat at nagkasala at tinubos lamang ng Panginoong Hesus.
PURIHIN ANG DIYOS!!

English Ver.


"DON'T BE PROUD"
(Luke 18: 10-14)
“Two men went into the temple to pray, the one a Pharisee and the other a tax collector. The Pharisee stood and prayed thus concerning himself: ‘O God, I thank thee that I am not as other men are, extortioners, unjust, adulterers, or even as this publican. I fast twice a week and I also give a tenth of all I earn. ’Meanwhile, the tax collector was standing at a distance and could not even look up at the sky. He beat his chest and said, ‘O God, have mercy on me a sinner!’ I tell you, this man went home forgiven of his sins, but the first was not. For whoever exalts himself will be humbled, and whoever humbles himself will be exalted. ”
Blessed day to all our brothers and sisters, let us meditate again on the Word of God.
God reads and knows the flesh of our hearts, even the motive of our prayers. God wants a repentant and humble heart like the tax collector who is pleasing to God, while the Pharisee, although religious and a teacher of the law, is not pleasing to God. Why? Because he is self-righteous, he exalts himself and compares himself to others. There is no sincere repentance and humility in his heart. God does not measure us because we are religious and do not commit impurities, pride is a greater sin, this is where satan fell into his pride. We must remember that no one is without sin even if he is the leader of a religion or became a saint declared by man. Only Jesus Christ, God incarnate, did not sin. So we must be humble because we have all sinned and were only redeemed by the Lord Jesus.
PRAISE THE LORD!!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top