What's new

Daily Bread (June 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
PAHALAGAHAN ANG PAMILYA
(1 Timoteo 5:8)
"Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi kumakalinga sa mga kamag anak, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya."
Masasabi natin na ang pamilya ang isa sa pinakamahalagang parte ng ating lipunan. Sapagkat, ang ating pamilya ang pinakamagandang regalo ng Panginoon, ganun din tayo sa kanila. Dito natin malalaman at mararamdaman ang tinatawag na tunay na pag-ibig. Ang ating pamilya ay nagbibigay sa atin ng pagmamahal na walang pasubali. Kahit anong kamalian natin, mapapatawad tayo ng ating pamilya. Isa rin sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang ating pamilya ay seguridad at proteksyon na binibigay nila sa atin.
Ang ating pamilya rin ang una nating paaralan. Dito tayo natututo ng mga magagandang asal, pagmamalasakit sa kapwa, at pagmamahal sa Diyos. Sila rin ang ating gabay tuwing tayo ay nawawala sa ating landas.
KAya pahalagahan po natin ang ating mga pamilya.. sabi ng ating talata...(1 Timoteo 5:8)
"Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi kumakalinga sa mga kamag anak, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya."
Kung ang ating pamilya ay hindi natin pinahahalagahan mas masahol pa tayo sa mga hindi mananampalataya. Mga kapatid ilapit natin sa Dios ang ating buong sambahayan ng sa ganoon ay magkaroon po tayo ng isang mapagpala at maka Diyos na pamilya.

English Ver.


APPRECIATE THE FAMILY
(1 Timothy 5: 8)
"But if any provide not for his own, and specially for those of his own house, he hath denied the faith, and is worse than an infidel."
We can say that the family is one of the most important part of our society. Because, our family is the Lord's best gift, so are we to them. Here we can know and feel what is called true love. Our family gives us unconditional love. Whatever we do wrong, our family can forgive us. Also one of the reasons why our family is important is the security and protection they give us.
Our family is also our first school. Here we learn good manners, concern for others, and love for God. They are also our guide whenever we get lost in our path.
So let us cherish our families ... our verse says ... (1 Timothy 5: 8)
"But if any provide not for his own, and specially for those of his own house, he hath denied the faith, and is worse than an infidel."
If we do not value our family we are worse than unbelievers. Brothers and sisters, let us bring our whole family closer to God so that we may have a blessed and Godly family.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top