What's new

Daily Bread (June 6 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"Tumugon siya, 'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip'; at, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili' (Lukas 10:27).
Ang ating kalooban ay nadumihan ng kasalanan. Dahil naligtas na tayo sa ating pagiging makasarili, kailangan nating isuko ang ating kalooban sa Diyos (Filipos 3:7-9). Babaguhin ng Diyos ang ating kalooban (Awit 143:10). Ang layunin ng Diyos ay maging kalooban din natin ang Kanyang kalooban.... Marami ang naniniwala na ang kalooban ng Diyos ay nakababagot at nakakahiya. Inilalarawan nila ang kalooban ng Diyos tulad sa isang monghe sa isang malungkot na monasteryo o isang janitor na nagrereklamo sa trabaho. Taliwas sa paglalarawang ito, ang mga taong sinusunod ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga buhay ay ang mga pinakamaligaya at pinaka-kuntentong mga tao na nabubuhay dito sa mundo. Walang duda na ang mga banal na ito ay humarap sa mga kahirapan ng mundo, lumaban sa kanilang sariling kagustuhan at sa diyablo. Maaring hindi sila nagkamit ng mga bagay ng mundong ito, ngunit ginamit sila ng Diyos upang gumawa ng mga dakilang bagay. Sa una tila imposible na maging banal at maging maligaya sa parehong panahon, ngunit ang Diyos ang magbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maging banal at naisin ang maging maligaya sa kalagayang ito. "Kinaluluguran kong sundin ang iyong kalooban, O Diyos ko" (Awit 40:8; tingnan din ang Hebreo 13:21). Sa hirap at ginhawa ang mga anak ng Dios ay nananatiling masaya at panatag. PURIHIN ANG DIYOS!

English Ver.


"He answered, 'You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your strength, and with all your mind'; and, 'You shall love your neighbor as yourself' (Luke 10:27). .
Our will is tainted with sin. Because we are saved from our selfishness, we must surrender our will to God (Philippians 3: 7-9). God will change our will (Psalm 143: 10). God's purpose is for us to be His will .... Many believe that God's will is boring and embarrassing. They describe the will of God like a monk in a lonely monastery or a janitor complaining at work. Contrary to this description, people who follow God’s will in their lives are the happiest and most contented people living here on earth. There is no doubt that these saints will face the difficulties of the world, fight against their own will and the devil. They may not have gained the things of this world, but God used them to do great things. At first it seems impossible to be holy and be happy at the same time, but God will give us the power to be holy and desire to be happy in this state. “I delight to do thy will, O my God” (Psalm 40: 8; see also Hebrews 13:21). In hardship and comfort the children of God remain happy and secure. PRAISE THE LORD!

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top