What's new

Daily Bread (June 25 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG KATAWAN O IGLESIA"
(Efeso 4:16)
Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kung susumahin napakarami na nating mga mananampalataya sa buong mundo, ang problema ay nagiba iba ng mga Pangalan ng simbahan, hindi tulad ng ibang sekta na iisa lang ang kanilang Pangalan ng iglesia na di nadala.
Tatlong bagay ang nakita ko sa ating texto na makapagbubuklod sa mga Kristiyano.
Una ang ating Panginoong Hesus na siyang may ari ng katawan o ng Kanyang Iglesia. Sabi po sa talata " Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya." Naguugnay ugnay ang buong katawan sa pamamagitan Niya. At ito ay mula rin sa Kanya, dahil hindi po tayo maibibilang na bahagi ng katawan malibang tinanggap natin sa ating puso at buhay ang Panginoong Hesus.
Pangalawa, gampanan natin ang bawat bahagi na nakalaan sa atin. Bawat isa ay may talent at kakayanan, hindi lahat ay kaya nating gawin, may kanya kanyang abilidad na ibinigay ang Dios upang makagalaw ng maayos ang katawan.
(1 CORINTO 12:21-28) 21 Ang mata ay hindi makakapagsabi sa kamay: Hindi kita kailangan. Maging ang ulo ay hindi makakapagsabi sa paa: Hindi kita kailangan. 22 Subalit ang mga bahagi pa nga ng katawan na inaakalang mahihina ay siyang kinakailangan. 23 Binibigyan natin ng malaking karangalan ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong marangal. Ang mga hindi magagandang bahagi ay higit nating pinagaganda. 24 Ngunit ang magagandang bahagi ay hindi na kinakailangang pagandahin. Subalit maayos na pinagsama-sama ng Diyos ang katawan. Ang mga bahaging may kakulangan ay binigyan niya ng higit na karangalan. 25 Ito ay upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa katawan at sa halip ay magmalasakitan sa isa’t isa ang lahat na bahagi. 26 Kaya nga, kung ang isang bahagi ay maghihirap, kasama niyang maghihirap ang lahat ng bahagi. Kung ang isang bahagi ay pararangalan, kasama niyang magagalak ang lahat ng bahagi.
27 Kayo nga ang katawan ni Cristo at ang bawat isa ay bahagi nito. 28 At itinalaga ng Diyos ang ilan sa iglesiya. Una ay ang mga apostol, PANGALAWA ang mga propeta at pangatlo ang mga guro. Kasunod nito ang mga gumagawa ng himala, pagkatapos ay ang mga kaloob ng pagpapagaling at saka ang pagtulong. Inilagay din ang pamamahala at iba’t ibang uri ng wika.
Pangatlo ay ang pag ibig, kung walang pagibig kahit na may kanya kanyang bahagi ang katawan hindi ito magbubuklod kung walang pag ibig, kung mag ka kanya kanya at mag kakampi kampi, walang puwang sa Katawan ni Kristo ang alitan at inggitan, ang kailangan ay pagibig at pag kakaisa. (1 Juan 4:7-8)
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. At ito ang dakilang utos ng Panginoong Hesus sa atin ang tayo ay mag ibigan. (Juan 13:34)
isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
Mga kapatid bilang bahagi ng katawan ni Kristo magpasakop tayo sa Kanya, gamitin natin ang ating kakayanan ng may pagpapakumbaba at mangagibigan tayo.
Sumaating lahat ang pagibig at pagiingat ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc

Screenshot_20210626_181925.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top