What's new

Daily Bread (June 19 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" HUWAG DAYAIN ANG SARILI"
(Santiago 1:22 )
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Isa sa ayaw nating gagawin ng ating kapwa sa atin ay ang tayo ay dayain. Tiyak na magagalit tayo at sasama ang ating loob. Subalit sa ating talata tayo mismo ang dumadaya sa ating sarili kapag pinakikinggan lamang natin ang Salita ng Dios at hindi ipinamumuhay.
Naiinis, nagtatampo, nagagalit tayo kapag nalaman natin na niloko tayo ng kapwa natin at may mga pagkakataon pa na tayo ay nakikipag-away dahil dito. Kahit sa palakasan o ano mang kompetisyon, ayaw natin na tayo ay nadadaya.
Ang talata ngayon ay naglalahad ng isang uri ng pandaraya na madalas ay nagagawa ng mga mananampalataya at ang mahirap dito ay walang ibang pwedeng kainisan, pagtampuhan o kagalitan, lalo pa ang awayin sapagkat hindi natin ito pwedeng gawin sa ating mga sarili. Ngunit ito ay isang nagdudumilat na katotohanan, pinakikinggan, binabasa, inaaral, minumuni at binubulay natin ang Salita ng Diyos ngunit hindi naman natin ito ipinamumuhay. Maraming mananampalataya ang maraming alam, maraming tinanggap na pagkaunawa ngunit salat sa paggawa at patuloy pa ring napaglalaruan ng kaaway. Mas mabuting may alam lang tayong kakaunting talata at buong puso nating ipinamumuhay kaysa saulado natin halos ang Biblia subalit hindi naman ipinamumuhay... Mga kapatid ipamuhay natin ang bawat Salita ng Dios na ating nababasa at naririnig, ng sa ganoon ay malakaran natin ito at magawa upang hindi natin madaya ang ating mga sarili.. Nasasaktan tayo kapag dinadaya tayo ng ating kapwa, subalit nasasaktan din ang ating mga Espiritu kapag dinadaya natin ang ating sarili, . Kapag hindi natin naipamumuhay ang mga Salita ng Dios na ating naririnig at nababasa.. Ang Salita ng Dios ang ating giya upang makapamuhay tayo sa kalooban ng Dios.
Ang biyaya at pag kasi ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top