What's new

Daily Bread (June 10 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(Tungkulin ng INA, SA TIRAHAN AT TAHANAN,)
( EFESO 6:4)
"Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon."
Bagamat ang ating talata ay tumutukoy sa magulang magpokus muna tayo sa mga ina sa susunod ay sa mga ama naman.
May ilang mga bagay na ipinag-uutos sa mga Kristiyanong ina mula sa Salita ng Diyos.
Dapat ay palagi siya sa tabi ng kanyang mga anak - sa umaga, tanghali at gabi (Deuteronomio 6:6-7)
Laging kasa-kasama - nakikipag-ugnayan, nakikipag-talakayan, nag-iisip, at kasamang gumagawa ng pamamaraan para mabuhay (Efeso 6:4)
Nagtuturo - ng Banal na Kasulatan at ng maka Bibliyang pananaw. ( Efeso 6:4)
Sinasanay at nililinang ang kaalaman ng kanilang mga anak upang matuklasan ang kanilang mga kalakasan (Kawikaan 22:6) at mga espirtiwal na kaloob. (Roma 12:3-8 at 1 Corinto 12)
Nagdidisiplina at nagtuturo ng pagkatakot sa Panginoon, paglalagay ng hangganan ng may buong pagmamahal at katatagan (Efeso6:4)
Pagpapalaki- pagbibigay ng isang malayang kapaligiran, na may kalayaang magkamali, may pagtanggap, pagmamahal at pag-ibig na walang kundisyon
Pagiging mabuting halimbawa - ipinamumuhay ang sinasabi, maging isang halimbawa na nakakahawa sa mga anak upang sila magkaroon ng maka-Diyos na pamumuhay. (Deuteronomio 4:9)
Hindi binanggit sa Biblia na ang bawat babae ay kailangang maging ina. Gayon man, sinasabi ng Bibliya na yaong pinagpala ng Panginoon para maging ina ay dapat gawin ang kanyang katungkulan ng buong kahusayan. Ang mga ina ay may natatangi at napakahalagang tungkulin sa buhay ng kanilang mga anak. Ang pagiging ina ay hindi lang isang gawaing bahay o isang nakayayamot na tungkulin. Katulad ng pagdadala ng ina sa kanyang anak sa kanyang pagbubuntis at kung paano pinasuso at inaalagaan niya ang anak noong ito ay sanggol pa, ang ina ay patuloy na gumaganap ang kanyang tungkulin sa buhay ng kaniyang mga anak, sa lahat ng panahon mula sa kanilang pagkabata hanggang sa kanilang pagtanda. Habang ang tungkuling ginagampanan ng ina ay nagbabago ayon sa hinihingi ng sitwasyon, ang pagmamahal, pag-aaruga, pagtuturo at pagpapalakas ng loob na ibinibigay ng ina ay hindi natatapos.
Mahalaga ang tungkulin ng ina sa isang pamilya nawa lahat ng mga ina ay ginagawang panuntunan ang Biblia sa pag aalaga ng kanilang sambahayan. Purihin ang Diyos!

English Ver.


(MOTHER'S ROLE, AT HOME AND HOME,)
(EPHESIANS 6: 4)
"Parents, do not do things that will offend your children. Instead, bring them up in the discipline and instruction of the Lord."
Although our verse refers to the parent, let us focus first on the mothers and then on the fathers.
There are certain things that are commanded to Christian mothers from the Word of God.
He should always be by the side of his children - morning, noon and night (Deuteronomy 6: 6-7)
Always together-communicating, discussing, thinking, and working together to make a living (Ephesians 6: 4)
Teaches - Scripture and a Biblical perspective. (Ephesians 6: 4)
They train and cultivate the knowledge of their children to discover their strengths (Proverbs 22: 6) and spiritual gifts. (Romans 12: 3-8 and 1 Corinthians 12)
Disciplines and teaches the fear of the Lord, setting boundaries with love and firmness (Ephesians 6: 4)
Raising- providing a free environment, with freedom to make mistakes, with acceptance, love and unconditional love
Being a good example - living what is said, being an example that is contagious to children so that they can have a godly life. (Deuteronomy 4: 9)
The Bible does not say that every woman should be a mother. However, the Bible says that those whom the Lord has blessed to be mothers should do her duty with full efficiency. Mothers have a unique and very important role in the lives of their children. Being a mother is not just a chore or a tedious duty. Just as a mother carries her child in her *******cy and how she breastfed and cared for the child when it was an infant, the mother continues to play her role in the lives of her children, at all times from their childhood. until their old age. As the role of the mother changes as the situation demands, the love, nurturing, teaching and encouragement provided by the mother does not end.
The role of the mother in a family is so important that all mothers make the Bible a rule in the care of their household. Praise the Lord!

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top