What's new

Daily Bread (July 30 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" BAHAGYA AT PANANDALIAN LANG"
(2 Corinto 4:17-18)
“ Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. 18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.”
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.. Si Apostol Pablo at ang mga kasama niya sa paglilingkod ay nakaranas ng napakatinding kapighatian at paguusig, subalit sa kanyang pag aliw sa mga taga Corinto sinabi niyang ang kanilang naranasang kapighatian ay panandalian lamang.. Hindi biro ang kanilang paguusig, sila ay nakulong dahil sa Ebanghelyo.. Nahagupit ng napakaraming beses dahil sa pangangaral, nagpalutanglutang sa karagatan noong lumubog ang kanilang sinasakyang barko upang harapin ang kanyang mga paglilitis. Bilang mga lingkod ng Dios maging kalakasan tayo sa iba, lalo na tayong mga lider at mga pastor sa iglesia, magbigay tayo ng encouragement sa mga nanghihina at sa mga bagong mananampalataya.. Totoong may kapighatian at paguusig subalit huwag nating hayaang ito ang ma magnify sa ating buhay sa halip gawin nating hamon ito at ipakita sa iba ang positibong makakamit pagkatapos ng panandaliang kapighatian.. Tignan po natin ang sinabi ni Apostol Pablo bilang hamon.. Hindi niya sinabing mahirap ang paglilingkod sa halip kanyang binigyan diin ang kagalakang walang hanggan at walang katulad na magiging kapalit nito. Sabi niya sa talatang 18, Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.” Sinasabi niya na hindi nakatuon ang kanilang paningin sa mga bagay na nakikita, kundi doon sa mga bagay na hindi nakikita na pang walang hanggan.. Panandalian lamang ang lahat ng bagay sa daigdig, pagsubok man ito, kapighatian man o paguusig, maging ang kagalakang NATATAMO natin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ang tanging walang hanggan ay mga bagay na naroon doon sa kaharian ng Dios.. Kaya't ito ang ating pagtuunan ng lakas at panahon.. Mga kapatid anoman ang inyong nararanasan ngayon lahat yan ay panandalian lamang, pakanasain natin ang kagalakang pang walang hanggan sa piling ng ating Panginoong Hesus.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top