What's new

Daily Bread (July 29 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" PASIRA NA NG PASIRA"
(GENESIS 2:2,15)
2 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon.15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at PANGALAGAAN.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios. Salamat sa Dios at humupa na rin ang halos isang Linggong pagbuhos ng malalakas na ulan na nagdulot ng baha sa ibat ibang panig ng bansa... Hindi lang pala tayo ang nakararanas ng matinding pag baha, ang bansang China ay sinalanta rin ng matinding pag baha at marami pang ibang Bansa.Maraming buhay at ariarian ang sinalanta ng matitinding pagbahang ito. Dahil sa pagkakalbo ng mga kabundukan at walang taros na pag sira ng tao sa kalikasan kaya natin nararanasan ito. Hindi natin pwedeng baguhin ang natural na likha ng Dios nang hindi tayo mapipinsala. Tulad na lamang ng pagtatambak sa mga baybaying dagat at mga ilog. Wala ng mapuntahan ang tubig kung kayat sa kalsada at mga bahayan ito mapupunta. Sabi ng ating talata noong pasimula ay nilikha ng Dios ang buong Sansinukob, at ito ay pawang mabuti.. Kumikilos ang lahat ng planeta ayon sa itinakda sa kanila ng Dios. Aagos na lahat ng tubig galing sa matataas na bahagi ng lupa patungong dagat. Sumobra ang dunong ng tao, at marami din ang mga ganid sa mga kalupaan. Ang dating mga kabukiran at palaisdaan ay tinambakan at ginawang mga subdivision at mga konkretong mga building
Ano sa palagay ninyo ang ating inaasahan mangyari sa ating kalikasan.? Gaganda ba ito o mawawasak? Nagdudumilat po ang katotohanan pasira na ng pasira ang ating tinitirhang mundo. Ubod ng ganda ang nilikha ng Dios at ito ay itinagubilin sa tao na alagaan at pagyamanin. Subalit sa halip na alagaan at pagyamanin, sinira ng tao ang kalikasang ipinagkatiwala sa atin ng Dios. Isang awit ng grupong Asin ang may panawagan na mahalin natin ang kalikasan, halos lahat ay naggagandahan sa mensahe ng awit, subalit hanggang ganda lang, hindi naman sinunod. Ang title ng awit ay MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN.....
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayo-layo na rin ang ating narating
Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon
Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagka't 'pag Kan'yang binawi, tayo'y mawawala na
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo mag kantahan.
Mga kapatid huwag nating sirain ang kalikasan, ito ay biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Dios. Ang kalikasang ating nasisira ay hindi natin kailanman mapapalitan, dahil ang may likha nito ay ang ating Dios na makapangyarihan sa lahat.. Hindi natin kayang lumikha ng kalikasan.. ang tangi lang nating magagawa ay ang ingatan ito, pagyamanin, at alagaan.
Sa Dios ang lahat ng Kaluwalhatian ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top