What's new

Daily Bread (July 19 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MAGLINGKOD NANG MAY KAGALAKAN"
COLOSAS 3:23)
Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong PUSO, ng gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli. Po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Mga kapatid upang makapaglingkod po tayo nang tama ang ating motibo sa paglilingkod ang unang dapat nating gawin ay maglingkod po tayo ng may kagalakan. Una gawin po natin ang paglilingkod sa Dios ng buong puso.
Gawin ng buong puso—”heartily”, “from the soul” isang paggawa na walang pagrereklamo, walang pagsisisi, walang kalungkutan. Paglilingkod na may kagalakan!
. Pangalawa gawin ito na para sa Panginoon
—bawat gawin natin ay dapat na nakatalaga sa Panginoon. Kahit walang nakakakita at kahit walang nakakaramdam sa ating effort..Gawin natin ito para sa kaluawalhatian ng Dios, nakikita o nararamdaman, gawin natin ang paglilingkod o ang isang bagay alang-alang sa Panginoong Jesus na ating kinikilala sa ating buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas.
Pangatlo maglingkod tayo hindi para sa mga tao. Kundi para kay Kristo..
Hindi para sa mga tao—nakakapagod maglingkod sa tao, minsan nakapanghihina, at may nakakapanlumo. Aayaw ka. Titigil ka. O kung ikaw man ay magpatuloy, gagawa ka na lamang dahil sa maling dahilan ng paglilingkod. Mga kapatid walang patid na kagalakan ang ating mararanasan kung itutuon natin ang ating puso at isip sa Panginoong Jesus.
Filipos 4:4—pauilt-ulit na sinabi ni Pablo ang salitang “magalak kayo.” Marahil simple sa paningin, subalit dapat nating malaman na sinasabi ni Pablo ang kagalakan habang siya ay nakakulong at malapit na sa kamatayan.
Ang kagalakan ng paglilingkod ay bumubukal sa puso.. Hindi pilitan kundi kusang loob. Huwag nating tularan ang iba na naglilingkod dahil nais lamang na may mapatunayan sa iba o sa Kanyang sarili.. Lagi po nating tatandaan na tayo po ay alipin lamang.. Ang tungkulin ng alipin ay bigyan ng kaluguran ang kanyang Panginoon at hindi lamang ang ating kapwa. Siyasatin po natin ang ating sarili ano bang uri ng paglilingkod ang ginagawa ko ngayon sa Panginoon? .. Ginagawa mo ba ito ng may kagalakan? , O ginangawa mo ito bilang obligasyon lamang? Kayo lamang po ang makasasagot niyan, subalit alam ng Dios ang bawat laman ng ating puso.
Pagpalain nawa tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top