What's new

Daily Bread (July 17 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
KAPAG SI YAHWEH ANG NAGTATAG
(Mga Awit 127)
127 Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay,
ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan;
maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay,
ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.
2 Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay;
maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay,
pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.
3 Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak,
ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.
4 Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan,
ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal.
5 Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan,
hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan,
kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Napakabuti ng Diyos na nagtatayo ng ating mga tahanan ..Ang tanging nais ng Diyos ay ang pagpalain tayo sa loob ng ating sambahayan.
Ngunit maraming tao ang nagtatayo ng kanilang tahananna hindi kasama ang Diyos. Dahil dito, hindi nila nakakamit ang ganap na pagpapalang kaloob ng Panginoon.
Ano ano nga bang mga pagpapala ang ating makakamit kapag ang Dios ang nagtatag ng ating tahanan?
Narito ang mga kaloob ng Diyos sa sambahayang kanyang itinayo:
PAGPAPALA SA PANGANGAILANGAN.
Mabunga ang pagpapagal sa trabaho ng miembro ng pamilyang makadiyos. Walang nasasayang sa kanilang paggawa dahil ito ay pinagpapala ng Diyos (v. 2). Sila ay nakakatulog pa ng mahimbing pagdating ng takipsilim.
Sa kabilang banda, sa tahanang hindi ang Diyos ang nagtayo; ang kanilang kapaguran ay walang saysay. Pagod sila ngunit hindi nagbubunga ang kanilang pagsisikap. At wala sila ni másáráp na tulog man lang.
PAGPAPALA NG MGA SUPLING.
Mabungang pagdami ng mga supling (v.3). Ang pag-lago ng pamilyang pinagpapala ng Diyos ay pagdami ng mga anak na magpapatuloy sa pananampalataya ng pamilya.
Ang mga bata ay pagpapala ng Diyos. Sila ang bukas ng kasaysayan. Sila ang magpapatuloy sa anumang nasimulan.
Mayroon akong kaibigang mag-asawa na walang naging anak..Ngunit sa kanilang ministeryo, pinagkalooban sila ng maraming anak ng Diyos. Naging mabunga pa rin ang pagdami ng kanilang mga anak.
PAGPAPALA NG KALIGAYAHAN.
Ang pangatlong pagpapala ay pagkakaroon ng masayang tahanan. Ang damdamin ng kapayapaan ay kaligayahan ay hindi matutumbasan ng anumang kayamanan. Ito ay ipinagkakaloob ng Panginoon kung siya ang tagapagtayo ng ating sambahayan.
Mga kapatid kung ang Dios ang nagtatag ng ating mga tahanan,ang lahat ng pagpapala ay ating makakamtan.
Pinagpala tayo sa pangangailangan, sa mga supling at kaligayahan.
Kung magtatag po kayo ng tahanan hayaan ninyong ang Dios ang mamahala at magtayo nito bawat sangkap bawat bahagi ay ihandog natin sa Kanya upang ating maranasan ang buhay na kumpleto payapa at masagana.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng Ating Panginoong Hesus. Amen

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top