What's new

Daily Bread (July 12 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"HINDI LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGINOON AY MALILIGTAS"
(MATEO 7:21)
21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Mapagpalang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Hindi na po mabilang sa dami ang relihiyon sa buong mundo.. Dito pa lamang sa Pilipinas ay napakarami ng sekta at relihiyon na nagsulputan.. At lahat ay nagsasabing sila ang tama. Wala pa akong narinig na sekta na nagsabi na mali ang kanilang relihiyong kinaaaniban.Kaya naman sa talatang ito na binanggit mismo ng Panginoong Hesus ang pagkikilanlan ng isang taong mayroong relasyon sa Kanya. Ang sabi ng Panginoong Hesus, "Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng Panginoon, Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit... Dito po ay ipinauunawa ng Panginoon na hindi komo tayo ay pala simba relihiyoso o kaanib sa isang relihiyon o tumatawag sa Kanyang pangalan araw araw ay maliligtas na tayo. Sino lang po ang papasok sa kaharian ng langit ayon sa ating talata? Ang sabi ng Panginoong Hesus "Kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit". Sila ang makapapasok ng langit ang mga sumunod sa kalooban ng Ama. Mga kapatid hindi po sapat na tayo po ay tumatawag lang sa Panginoon.. Mas higit na kailangan ang pagsasagawa ng mga kalooban ng Dios. Ang pamumuhay ng may kabanalan at pagkilala sa Kanyang bugtong na Anak na ibinigay sa atin ng Ama. Ito ang kalooban ng Dios ang tanggapin natin ang inaalok Niyang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus. Ibinigay ito sa atin kaya kailangang tanggapin... Kung tatawag lang tayo sa Panginoon subalit wala po tayong kaugnayan sa Kanya at hindi rin tayo namumuhay ng ayon sa Kanyang kalooban hindi po natin makakamit ang buhay na walang hanggan.. Ang pagtawag sa Panginoon ay pagkilala na Siya ang ating hari at tagapagligtas at susundin dapat ang lahat ng Kanyang nais bilang tayo ay alipin na tumatawag sa Panginoon. Mga kapatid si Hesus ang ating Panginoon at tayo ay kanyang alipin at tagasunod.. Kung Panginoon natin ang Panginoong Hesus Siya ang paghariin natin sa ating buhay.
Muli ang biya at pagiingat ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top