What's new

Daily Bread (January 29 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"MANATILING TAPAT SA KABILA NG PAGSUBOK"
(SANTIAGO 1:12)
Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Sarisaring pagsubok ang ating nararanasan, at bilang mga mananampalataya kasali po tayo sa mga dumaranas nito. Ayon pa nga sa mga talata ay mapalad tayo at ariin nating kagalakan kapag tayo ay dumaraan sa mga pagsubok...
(Santiago 1:2-3) "Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis." Nasusukat din at napapatunayan kung gaano tayo nagpapakatatag sa gitna ng mga pagsubok.
Santiago 1:12" Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya."
Pagkatapos nating mapagtagumpayan ang mga pagsubok tatanggap po tayo ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon. Kung mahal natin ang Panginoong Hesus haharapin natin ng buong pananampalataya ang ating mga pagsubok. Lahat ng pagsubok ay ating mababata kung ito ay ilalagak natin sa paanan ng ating Panginoong Hesus.. at isa pa hindi tayo bibigyan ng Dios ng pagsubok na hindi natin mapagtatagumpayan.. (1 Corinto 10:13)
"13 Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok.".. Ang Dios din po ang tutulong at gagawa ng paraan upang malampasan po natin ang mga pagsubok, kung tayo lang hindi natin kakayanin, subalit sabi ng ating talata tutulungan tayo ng Dios, upang makayanan natin ito. Sabi po sa (Roma 5:3-5)
Hinuhubog ng mga pagsubok ang ating maka Diyos na paguugali at binibigyan tayo ng kakayahan na “magalak sa ating mga pagbabata sapagkat alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagbubunga ng pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin” Mga kapatid may pagsubok kabang pinagdaraanan ngayon? Magalak ka sapagkat napakalapit ng Dios sa iyo ngayon, tinutunghayan Niya at tinutulungan ang mga anak Niyang dumaraan sa mga pagsubok.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 458
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Pamintangdurog04

Online statistics

Members online
335
Guests online
4,970
Total visitors
5,305
Back
Top