What's new

Daily Bread (January 15 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"KALIGTASAN AT MAHABANG BUHAY"
(AWIT 91:15-16)
15 Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
16 Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
MAPAGPALANG araw po ng
sa ating lahat, muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios buhat sa Samo 91
Sabi po ng talatang 15,kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila ay pakinggan.. Kapag tayo ay nagtiwala nanampalataya at naging matapat sa paglilingkod sa Dios, laging pakikinggan ng Dios ang ating mga dalaingin, papakinggan Niya ang ating mga samo, at daing laging bukas ang tainga ng Dios upang dinggin ang ating pagtawag sa Kanya.. Idinugtong sa talatang 15, na sasamahan Niya ang Kanyang mga anak, at kung may problema ay sasaklolohan.. May dakila tayong tanggulan at saklolo, Siya ang ating dakilang moog kapag tumakbo tayo sa Kanya, tayo ay kanyang sasamahan at sasaklolohan... At may reward pa ang Dios sa verse 16, "Silay bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay.. Tayong mga anak ng Dios ay may nakalaang gantimpala sa Dios, bibigyan Niya tayo ng mahabang buhay, kung tayo ay mananating tapat na maglilingkod at magmamahal sa Kanya.. May kundisyon po ang Dios lagi sa pagpapala, kung nais nating pagpalain tayo ng Dios at magkamit ng mahabang buhay sundin natin ang Dios at ibigin natin Siya ng higit sa lahat at manatili tayong tapat sa ating Dios na buhay... Marami kasing tao na gusto lang ay pagpapala, pero hindi naman naglilingkod at umiibig ng tapat sa Dios, kung after lang tayo sa pagpapala , hindi lubusang malulugod ang Dios sa atin, mas matutuwang magpala at magbigay ng mahaba at maligayang buhay ang Dios sa mga taong namumuhay ng buong pusong pananalig at pagmamahal sa Dios. Ito ang binibigyang diin sa atin ng Salmo 91.
Muli ang pagiingat at biyaya ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman, sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top